Simula

182 41 22
                                    

'Ela POV'

Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili upang maghanda sa darating kung flight mamaya na.Nakaharap ako ngayon sa salamin at paulit ulit napinupuri ang aking sarili. Sobrang ganda kona para bang diyosa sa kalangitan at inihulog sa lupain ng mga tao.

Ngunit sa ganda kong ito, pa ulit ulit akong hinihiwalayan ng aking mga nagiging nobyo. Ewan koba at Parati akong minamalas pagdating sa pag-ibig. Labis ang pag-iyak ko kahapon ng makipaghiwalay sa akin si Luke, matagal na kami na halos magkakalahating taon ngunit sinubok yata ng tadhana at ipinaghiwalay ng may kapal.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Mom na agad ko namang nginitian.

"I'm always ready Mom"

Ngunit hindi naman si Mommy ang maghahatid sa akin sa airport dahil sa may inaasikaso din siyang trabaho. Si Ellein ang maghahatid sakin, halos lahat naman yata ng flight ko siya na ang naghahatid kaya nasanay na din ako.

"Your service is already downstairs at nailagay na nila yaya ang bagahi mo sa sasakyan"

"Yes mom I'm coming"

Na unang bumaba si Mom na agad naming sinundan. Ng nakarating na ako sa ibaba ay agad naman akong nagpaalam at sandamakmak na habilin nanaman ang aking natanggap mula sa bibig niya na akala mo naman ay first time kong aalis.

"Mom, I'm just going to a business matter hindi pa ako mag-aasawa andami niyo ng habilin"

Pinalo ako nito sa balikat na agad ko namang ikinangiwi. "Awww" nakakainis man ngunit nginitian ko na lamang ito.

"Umayos ka ngang bata ka, basta mag-iingat ka"

"Mom I will, pang ilan ko na tong flight kaya ko na sarili ko promise"

Ilang sandali pa ay kasalukuyan na kaming nasa byahe on the way to airport at si Ellein ang kasama ko na nakakarindi sa tenga ang boses ng kaingayan nito.

"Caily Ellein Abella alagaan mo sarili mo, mag-aasawa pa tayo heller hindi ka pa pwedeng mamatay" Agad akong nakatanggap ng sapak mula dito na hindi nailagan kaya masama ko siyang nilingon.

"Tigilan mo nga ang pagbanggit ng buo kong pangalan, para ka namang hindi moko kilala"

"Ay, sorry naman ser, Ma mi-miss kasi kita for ilang months or weeks"

"Gaga ka! Usong tawagan" singhal nito sa akin kaya napa puot labi naman ako "Mas iba pa rin kasi kapag personal mong makikita yon bang real not imaginary" sabay yakap ko sa kanyang braso.

Ellein and I are so close since highschool until now na nagtratrabaho na kami sa iba't ibang landas na tinahak namin.

"Sos! Kala mo naman hindi sanay na magkalayo tayo eh, always ka namang lumilipad sa iba't ibang panig ng bansa gorl''

"Basta! Ma mi-miss Kita! Angal ka ng angal diyan"

"Eh si Luke? Ba't mo hinayaang magkahiwalay kayo?" Bigla ay naging seryoso ako at umayos ng upo.

"Ayaw niya kong paalisin, he wanted me to stay, at pinapili niya ako between my work or him"

Napabuntong hininga eto sa narinig na halatang dismayado sa mga sinabi ko "And ofcourse you choose the work"

Napatango ako "You can't blame me Ellein this is me, parating lumilipad ng kung saan saan dahil sa business naming magpamilya"

"I understand you Ela, pero kasi nauulit lang lahat ng rason ng paghihiwalayan ng mga ex mo, dahil sa ayaw nilang malayo sayo"

"Kung talagang mahal nila ako, ede susundan at susundan nila ako saan mang sulok ng bansa. Effort ba! Kumbaga! Effort ganon"

Nasampal nito ang kanyang sarili tila hindi makapaniwala sa aking sinabi "Gagi! Hindi naman ganon kadali sumunod ng sumunod sa isang tao may oblisgayon din ang tao hindi lang sa nobya."

Stay With Me (Completed) Where stories live. Discover now