Chapter 18

37 25 0
                                    

‘Ela POV’

Ito na naman ako at nakatitig sa harap ng salamin habang malalim ang iniisip, kung itatanong niyo kung Sino naman ang iniisip ko malamanag Wala ng iba kundi si Demicco, anghirap talaga non kausapin napaka seryoso. Dinamot ko ang lipstick at akma ng lalagyan ang labi ko ng bigla akong napahinto. Tila yata pumayat ako ng konti, Hindi naman sa sobrang payat dahil sakto lang naman ang katawan ko.

Umiling ako “I’m so so stressed that’s why siguro medyo pumayat ako” ipinagpatuloy ko ng maglagay ng lipstick atsaka sinuklay ang buhok, kinuha ko ang pouch ko at doon inilagay ang cellphone, matapos kong magsuot ng highheels ay agad akong lumabas. Pagkalabas ko naman saktong ikinagulat ko ulit.

“Demicco?” tawag ko dito dahil kakalabas Lang din nito sa kwarto. Wala akong narinig na sagot sa kanya kundi nauna ng maglakad sa akin.

Ayon na naman yong ako laging natatalikuran niya, napabuntong hininga ako saka hinawi ang buhok.

Balang araw ako na naman ang tatalikod sayo Demicco tandaan mo ito. Ang isang babaeng Ela ay Hindi mataas ang pasensya, Ignore me now cause I’ll ignore you later too.

Hindi ko tinahak ang elevator dahil alam kong makakasama ko siya doon Kaya ang ginawa ko ay hinagdan ko ito habang bitbit ang highheels na sandal. Habang papalabas na ng hotel ay dinial ko ang number ni Luke.

“Asan ka bwesit?”

[“I’m in the meeting what do you need?”]

Umirap ako na para bang makikita niya “Tccchhhh wala akong kain”

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa [“Eat then”]

“Papalebre sana ako gago”

[“Seriously, wala ka bang dalang pera Ela?”]

“Meron Naman” tipid kong sagot at niyakap ang sarili

[“Then bakit hindi kapa kumakain?”]

“Malamang hihingi sayo heller? Nanliligaw ka tapos pababayaan mo lang ako? I hate you! Wagka magpakita sakin ah!” halos sigaw kong aniya at inis na pinatay ang tawag.

“Shouting out of nowhere huh?” agad akong naigting ng may magsalita sa likod ko.

Masama ko siyang tiningnan “Paki mo ba? Nangingiilam ba ako sayo?” mataray kong aniya at padabog na naglakad papunta sa exit.

“Ela” tawag nito ngunit nagpatuloy Lang ako sa pag lakad hanggang sa naramdaman kong hinila niya ako gawa ng pagkasubsob ko sa balikat niya.

“Anong problema mo!?” halos pasigaw kong aniya at mariin na lumayo sa kanya, gustuhin ko mang masiyahan dahil sa ito na mismo ang lumalapit sa akin ngunit hindi ko maintindihan ang sarili ko.

“I should be the one to ask you what’s your problem?”

Pumikit ako ngunit agad nagmulat.

“Don’t talk to me” yon lang at tinalikuran ko na siya, naiinis ang buong sistema ko ng dahil sa hindi ako malebre ni Luke kainis! Meron akong pera pero ayoko bumili ng pagkain, nawala sa isip ko na nasa labas na ako at tila malayo na ang nalakad.

“Potek! Ganto ba ako kalutang para mapunta dito sa hindi ko alam?” napapadyak ako ng dahil sa inis. Bigla kong natanaw ang isang Groupo ng kalalakihan sa gilid ng Kanto.

Kingina mapapaaway yata ako. Ibinaba ko ang tingin ko sa sarili kong damit, ang baba pa naman ng dress ko above the knee tapos napaka fitted pa shems.

“Uyyyy ganda mo miss ah”

Inirapan ko ang lalaking nagsabi noon na nasa harapan ko na habang naninigarilyo. “Matagal ko ng alam kaya hindi mo na kelangang ulitin sa harap ko”

Stay With Me (Completed) Where stories live. Discover now