Chapter 4

50 31 0
                                    

 ‘Ela POV’

Ilang sandali pa akong nakatulala sa pintuan habang pilit sinisink-in sa utak ang sinabi ni Demicco. Takting Yan! Paano ako makaka focus ngayon sa meeting kung lasing pa ako? Nasusuka anytime at nahihilo pa! Nubayan! Katangahan overnessss na talaga ako. 

“I said fix yourself hindi ko sinabing tumunganga ka diyan”

Bumalik pa talaga si Demicco sa harap ko, dahil magkasunod lang pala kami ng room. Tinitigan ko siya ng masama.

“Pwede pass muna ako?”

He rolled his eyes at tiningnan ako ng head to foot.

“Sosyal mong matulog naka dress”

Inirapan ko siya at padabog na sinirado ang pintuan, dumiritso ako sa cr at pagharap ko sa salamin ay hindi naman ako nagulat maganda pa rin naman kasi ako, sobrang pula pa rin ng lipstick ko. I smirk, ang ganda ko pa rin talaga kahit lasing pa ako at galing sa tulog.

Biglang umikot ang paningin ko at agad akong napahawak sa sink, hinilot ko ang noo ko habang nakapikit.

“Tanginang meeting kasi, bakit ngayon lang.”

Biglang tumunog ang cellphone ko na agad ko namang tinakbo baka kasi importante.  May isang missed call na hindi ko naabutan, at may isang chat naman sa instagram ko. Binuksan ko ito at kusang tumulo ang aking mga luha sa nakita ko. Sa ibaba ng picture may message nanakalagay, ‘Stephanie and Luke dated last night, they were together’

Napailing ako at muling lumubog sa kama upang doon humagulhol, huling babaeng pinagselosan ko, yon na din ang kasama niya ngayon, ilang minute akong nagging ganon ang posisyon bago wala sa sariling naligo, pati sa shower umiiyak din ako. Akala ko okay na ako, akala ko hindi na ako masasaktan kapag makikita ko si Luke, ngunit masakit pa rin pala.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako ng office uniform. I put slight make up, dahil sa medyo pumula ang mga mata ko at klarong klaro na umiyak ako galing. Nahihilo at na duduwal ako, hindi ako buntis lasing lang!.

Hindi ako naniniwala sa forever!

Hangover siguro meron.

Pagkabukas ko ng pinto ang seryosong mukha ni Demicco ang bumungad sa akin.

“What took you so long?”

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at yumukong naglakad upang maunahan siya.

Bigla akong napahawak sa ulo ko, shet! ayan na naman yong hilo ko, pambihira kasi dapat hindi ako uminom. Ngunit nilagpasan lang ako ni Demicco, tiningnan ko ang likod niya ng masama. Hindi man lang ako tinanong kung okay lang ba ako?

Assuming mo self.

Sumunod na lang ako sa kanya habang pinipigilan ang sariling, gumiwang giwang, nagsisi pa tuloy akong nagsuot ng high heels. Advantage ko din naman na siya ang nauna, dahil hindi niya makikita ang  paglalakad ko na hindi ma ayos-ayos dahil sa kalasingan.   Nauna siyang pumasok sa kotse, well this time siya na mismo ang mag d-drive, ayaw niya siguro sa driver niya, tinigil ko muna ang pag o-overthink at sumakay na sa loob at pumwesto sa shutgon sit, agad ko naming nai-sinandal ang aking ulo at pumikit.

Kung hindi ko mapipigilan ang sarili ko maaaring duduwal ako anumang oras. Wala kaming naging kibuan kasi ayoko din naming mangulit ngayon.

Wala pa akong tulog.

Lasing pa ako’t naduduwal pa.

Heartbroken din ako!

Puso ko wasak na wasak.

Stay With Me (Completed) Where stories live. Discover now