Chapter 27

37 22 3
                                    

'Ela POV'

"Goodnight"-aniya ni Demicco sabay halik sa noo ko, nakayakap ang Isa kong kamay sa kanya habang nakaunan sakin ang kanyang braso.

"We'll fight together Ela, just trust me no matter what okey?"

"Oo naman, may tiwala ako sayo Basta ba sa huli pakakasalan mo ako?"

He chuckled at pinisil ang aking kamay na kasalukuyan niyang hawak hawak. Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap ang tao mong Mahal, Yong tipong bago mo isara ang mga mata mo siya ang huli mong makikita at sa pagbukas ng iyong mga mata sa umaga, mukha niya ang bubungad sa iyo.

"I'll marry you in one condition"

"Ano na naman?"-inaantok kong aniya at umayos ng higa ngunit muli niya akong niyakap at sinubsob sa dibdiban niya.

I love his scent.

"Kung Hindi mo ako susukuan at ipagpapalit"

"Sosss magagawa ko ba yon, after all I've done for you ngayon Pako susuko tanga ko naman non"

"Yeah that's why I believe in you"

"Because that's how I love you"

Naramdaman ko ang pagluwag ng kanyang yakap.

"Lets sleep now"-aniya nito at Tumalikod na sa gawi ko

Big deal na big deal siguro sa kanya ang salitang 'I love You'

Tumagilid ako at kusang dinalaw ng antok, ngunit nagising ako ng may narinig na ingay Hindi ko mawari Kung saan galing ngunit agad akong napabalikwas ng bangon ng may maaninag akong lalaki sa harap ng Kama namin ni Demicco.

"Sino ka?"-paos kong aniya dahil galing pa ako sa tulog, namamaos pa ang aking tinig.

"Sino Yan?"

Kinalabit ko si Demicco upang gisingin ngunit tila Hindi nagising ito, tulog mantika Naman yata tong lalaking ito.

"Demicco"-kalabit ko muli sa kanya ngunit hindi pa din nagigising. Ramdam ko ang kaba sa akong dibdib dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ng aming Kama.

Umalis ako sa higaan at humarap sa lalaki.

"Sino ka?, Anong kailangan mo samin?"

Nakabonet ang lalaki kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Angela Khin Mendez"-mahina ngunit nakakakilabot nitong bigkas sa buo kong pangalan.

Unti unti itong humakbang papalapit sa akin, madilim ang buong silid na tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa loob. Ramdam ko na ang lakas na kabog sa dibdib na tila naririnig ko na ang sarili kong puso.

"W-what are you doing?x

"Getting you"

Ng tuluyan na itong lumapit sa akin ay agad akong sinabunutan nito, napahawak ako sa buhok ngunit kalaunan ay naisipang patirin ang masilang bahagi niya na ikinapilipit niya sa sakit at naging paraan para makalaya ako sa kanya, kinuha ko ang flower vase na nasa lamesang gilid jg kama at akmang ibabato sa kanya ngunit na tigil ako ng naging mabilis ang kanyang kilos at muling nakalapit sa akin at hinawakan ako sa panga, nabitiwan ko ang flower vase gawa ng ingay na umalingawngaw sa buong silid at hindi ko na napigilan ang aking sarili na masigaw at tawagin si Demicco.

"Demicco!!!!"

Nakita ko ang pagbangon ni Demicco at Lumingon sa gawi ko, Hindi nagbago ang hitsura nito na para bang inaantok pa din at tila nadidisturbo pa sa tulog niya.

"What the hell are you doing here?"-mahina nitong aniya Hindi mo mahihimigan sa boses kong galit, takot o naiinis ba ito dahil sa parang wala Lang pake sa nangyayari.

How I wished I could be like that na kampante lang ket nasa pelegro na ang aming buhay.

"Obviously getting her"-may himig na kayabangan ang boses ng lalaking ito.

"As if you can get her, fight with me first"-sa Hindi inaasahang pangyayari tumilapon ako papunta sa Pintuan ng Cr, halos masobsob ako dito ansakit ng balakang ko. Umayos ako ng upo.

Taena, kung bakit Kasi tinapon pa ako kung tinulak na Lang sana ede ayos lang. Nakita ko ang pagsulong ng lalaki kay Demicco at walang hirap itong nilabanan, bawat galaw ng lalaki ay nasasangga ni Demicco, bawat suntok naiilagan niya. Walang bakas na takot sa mukha ni Demicco kundi para pa itong inaantok na nakikipag Laban.

Gumapang ako upang kunin ang cellphone ngunit isang lalaki ang humila na naman sa buhok ko.

San na naman to galing?

May panibagong tauhan na naman na nakaitim lahat na tanging Mata lamang ang nakikita. Malakas ko itong sinikmuraan na nagpaatras dito

"Don't touch my fvcking hair with your dirty hands yaks"-inirapan ko pa ito, abala si Demicco sa pakikipag Laban habang ako nakikipag asaran dito sa kaharap ko.

"Shut up"-muli na naman niya akong sinugod ngunit mabilis ang mga nagiging kilos, bawat suntok niya ay naiilagan ko, tumalon ako at malakas siyang pinatid halos lahat ng lakas ko ay binuhos ko sa patid na iyon kaya agad bumulagta sa sahig ang katawan ng lalaking walang Malay.

"Pew that was easy"-inayos ko ang buhok ko ng may Dalawang pumasok na naman, naramdaman ko ang pagtabi ni Demicco sakin.

"Nice move Ela"

Kinindatan ko Lang siya at Sabay na kaming sumugod sa Dalawang bago na naman na galing sa bintana. Maaaring marami silang nakaabang sa bintana iniisa Isa lamang ang pagpasok inaantay ang kahinaan naming dalawa Ni Demicco.

Paulit ulit ang naging galawan namin sa pag Laban ngunit sa huling pagbagsak ng Dalawang lalaki ay nilagyan namin ng twist ni Demicco, hawak ang bewang ko ay itinaas ako ni Demicco sa ere upang sabay na patidin ang Dalawang lalaki. Bagsak sa sahig ang mga ito at agad akong hinila ni Demicco na halos ikadapa ko sa sobrang bilis ng lakad niya, sabay kaming tumakbo papunta sa elevator na magkahawak ang kamay, mabuti at madali itong bumukas at nakasakay kami agad. Naging madali ang pagdating namin sa baba at dumiritso kami sa front desk.

"I need to talk to your manager right now"- ma-awtaridad na aniya ni Demicco dito, napayuko ako sa mga paa ko may galos ito at dumugo dahil sa vase na nagkalat doon na hindi namin namalayan na naapakan naming pareho ni Demicco habang nakikipaglaban, bakas ang dugo sa mga lakad namin kanina ng lingunin namin ito. Hindi Lang paa ko ang may sugat kundi pati si Demicco ngunit hindi ko man Lang nakitaan siyang nasaktan sa paa niya habang ako ito naramdaman ko talaga ang sakit nito.

This fight was just the beginning, and much more could happen to the two of us.

To Be Continue🖤

Stay With Me (Completed) Where stories live. Discover now