Chapter 5

52 32 6
                                    

'Ela POV'

Pasakay na ako sa kotse ni Demicco ng matigilan ako dahil sa sukang suka na talaga ako. Agad akong napaluhod at hindi mapigilan ang sariling sumuka sa gilid ng kotse ni Demicco, mabilis kong tinapos yon at padabog na pumasok sa sasakyan.

"Are you pregnant?"

At yan pa talaga ang naisipang itanong sa akin.

"Sana nga" pikit mata kong saad.

Sana nga buntis ako para bumalik si Luke sakin, I'm not an innocent anymore, ngunit si Luke lang talaga ang nakaangkin sakin, siya lang kasi ang minahal ko ng todo kaya naibigay ko ang ssarili sa kanya, maingat naman kami noon, kaya impossibleng buntis ako. lasing lang ako ngayon hindi buntis.

"Really?"

Naimulat ko ulit ang aking mga mata at nilingon si Demicco na seryoso ang mukha sa akin, nagtagpo ang aming mga paningin kaya napangisi ako.

"Joke lang, kikitilin ako ni Dad pag nangyari yon."

Tinaasan niya ako ng kilay at ako naman na hindi magpapatalo dahil inirapan ko rin siya.

"Are you drunk?"

Kinindatan ko siya, ayon! Nakuha niya din ang sitwasyon ko.

"Uhuh."

"At proud ka pa niyan?" tila hindi makapaniwalang sambit nito sa akin.

"Paki mo? buhay ko to, tsaka di pa tayo kasal kaya shoooo! Wag mo ako pakiliman."

Tiningnan niya ako gamit ang nakakadiring tingin na ikinatawa ko, baliw din kala mo naman papakasalan ko di naman ewwws.

"As if naman papakasalan kita?"

Ewan ko kung tanong ba pagkakasabi niya bahala siya. "As if naman seryoso ako sa sinabi ko diba?"

"Whatever."saad nito at pina takbo na ang sasakyan.

"Hoy! Kelan ka pala uuwi sa lugar niyo?" mayamaya'y tanong ko dito.

"Rest your mouth, wag kang tanong ng tanong baka sukahan mo pa ang sasakyan ko."

Napairap nanaman muli ako, ansarap batukan ng lalaking ito. Nagtatanong lang eh, andaling sabihin na ayaw niyang ibahagi dzuh! maarte kala mo naman sino.

"Mapili ang bunganga ko sa pagsuka, kaya wag kang OA."

"Tssss."

Nakarating kami sa isang napakagandang starbucks kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa design nitong minimalist at aesthetic. First time in my life na may nakakausap ako habang nasa business trip, kaya hulog ng langit na hindi napapanis ang aking mga laway. Pagkapasok namin sa starbucks ay kadalasan ang mga kababaihan nanaman at ayon, naagaw nanaman ni Demicco ang kanilang mga attention, sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa kanya eh sa tindig pa lamang gwapong gwapo na at ansarap ikama. May kataasan si Demicco sa akin kaya kapag nakikipagtitigan ako sa kanya kinakailangan ko pang tumingala na parang titingin sa mga butuin sa langit.

Andaming bubuyog dito, andaming nagbubulungan, may naisip na naman akong trip. Halata naman na maraming nagkakagusto kay Demicco dito, kaya ang gusto ko pa selosens ila. Nasa counter na kami at kasalukuyang nag o-order, at ipinulupotko ang mga braso ko kay Demicco, halata namang wala siyang pake sa paligid hindi kasi lumulingon.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Nahihilo ako, kaya pahawak."

He just smirk at me at nagpatuloy na sa pag-order.

"Let's go!" aniya niya at inakbayan pa ako, kaya mas lalo akong napangiti, tila ba sinasabayan niya ako sa trip ko. Matapos niyang mag order ay naghanap na kami ng table at tuluyan ng umupo, magkaharap kami ngayon kaya tinitigan ko siya ng maigi, gayon din ang ginawa niya sa akin.

Stay With Me (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon