Chapter 15

47 32 0
                                    

'Ela POV’

Pa-byahe na ako papuntang Cebu, for another business trip, kahit napapagod patuloy pa din ako sa mga pinapagawa ni Dad. Hindi kami nagkasabay ni Luke sa eroplano dahil iba ang oras ng byahe niya at ipinagpapasalamat ko din iyon dahil nakaka imbyerno ang pagmumukha niya, kasalukuyan na akong nasa van nakasandal at nakapikit ang mga mata habang malalim at nakalipad ang iniiisip.

Kagabi pa ako napapaisip sa mga sinabi ni Luke, I don’t know what to do or decide, ayoko naman siyang saktan sa ngayon, pero diko rin kayang makipagbalikan sa kanya, siguro hanggang kaibigan na lang talaga kami, at dahil sa pag-iisip ko kay Luke, nakalimutan kong itanong sa secretary ko kung asan na si Demicco, sandali akong nakalimot na kelangan ko pala siyang makita.

“Andito naPpo tayo ma’am” napamulat ako ng mga mata pagkarinig kay manong driver, ramdam ko ang bigat ng aking katawan gawa ng hindi agad ako nakakilos dahil medyo pagod pa ang katawan ko.

“Can I just rest here manong just for a while” saad ko at muling ipinikit ang mga mata nagbabakasakaling mawawala ang pagod.

“Sige Po ma’am”

Muli akong pumikit at bumuntong hininga, feel ko yata masama ang pakiramdam ko. Ilang minuto siguro akong nakaganon ng maisturbo ako dahil sa katok sa bintana ng van. Kinusot ko ang aking mga mata at nilingon ang bintana ng sasakyan.

It was Luke.

Walang gana ko siyang dinapuan ng tinitig pagkababa ng bintana ng van ngunit ngiti niya agad ang isinagot bago nagsalita na para bang excited na makita ako.

“What are you doing here again?”

“I told you. I’m free to this month so, I can go wherever I want to go”

Napabuntong hininga ako, akala ko matatapos na yong araw na hindi ko na makikita itong si Luke nagkamali ako dahil talagang sinundan talaga ako hanggang dito sa Cebu. Mamalagi pa ako dito ng ilang linggo o buwan siguro bago ako tuluyang maka uwi sa Manila.

“Heyy, are you okay?”

Huminga ako ng malalim at saka sumandal ulit. “I’m fine, pagod lang ako”

Nawala ito sa harap ko Kaya muli akong pumikit ngunit muling namulat ng tawagin ako muli ni Luke.

“Ela, come on bumaba kana, get rest at your room”

Masama ko siyang tiningnan “Sabi ko mamaya na”

“Do you want me to carry you into your room?”

“Eto na nga! bababa na, nakakainis ka talaga dude”

I heard him chuckled, pagkababa ko sa van nakita ko ang mga gamit ko na bitbit na ni Luke kaya  agad ko itong pinagtaasan ng kilay.

“Ako na maghahatid sayo sa room mo, may susunduin din si manong sa airport niyo”

Umirap ako “Whatever” saka nauna ng maglakad.

Agad kong binagsak ang aking katawan sa kama ng makapasok ako sa room ko, hinayaan kong ipasok ni Luke ang aking mga gamit.

“Do you want to eat something?” rinig kong tanong niya.

“Mamaya na, lebre moko ah” kahit nakapikit man ay sinagot ko ang tanong niya baka kasi kulitin pa ako non at tuluyang mawala ang antok at pagod ko dahil sa syempre maiinis ako at kapag nainis kasi ako nawawala sa utak ko o minsan ay nakakalimutan ang nararamdamang pagod at antok.

“Sure” huling saad nito at buti naman hindi na dinugtungan pa, narinig ko na din ang pagsarado ng pintuan hudyat na nakaalis na ito ng tuluyan.

Muli akong nagising ng maramdaman kong kumalam ang aking tiyan , ngunit pagdilat lang ng aking mga mata ay isang napakagandang boquet of flower ang bumugad sa paningin ko, kasalukuyan akong at kaharap ang table na kung saan andon nakalagay ang lamp at sa gilid ng lamp andon ang bulaklak. Umupo ako galing sa pagkakahiga at inabot ang bulaklak, napangiti naman ako sa sobrang ganda nito hindi ko napigilan ang sariling amuyon ang mga ito at kusang napangiti. Agad kong napansin ang sulat na nakaipit kaya walang alinlangan ko itong binasa.

“E-rase the pain the you’re feeling right now

L-ights comes up after the dark

A-labyu ELA” natawa ako sa aking nabasa at napailing, Luke is becoming clingy itong side niya ang hindi ko mahagilap noon na kami pa napatingala ako sa bintana at napabuntong hininga ilang sandali akong nakatitig sa kawalan bago naisipang mag ayos, matapos kong mag ayos . May restaurant din naman itong hotel na ito kaya bumaba na ako doon. When I enter the entrance agad kong nakita si Luke na kumaway sakin.

He smiled at me ngunit ako naman inirapan lamang siya, iginala ko ang paningin sa buong restaurant at biglang nadapo ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa akin, my heart suddenly beats faster, nakatalikod ito sa gawi ko ngayon kaya nalilito ako ngayon kung bakit ganito na lang ka tindi tumibok ang aking puso.

Hindi kaya?

Shet! Sana nga mali tong nasa isip ko. Wala pa Sana akong balak na harapin siya dahil lahat ng tanong ko yata nawala lahat ng dahil kay Luke. Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa palapit sa table na inuupuan ni Luke, sa oras na maupo ako don sa table namin makikita ko ang side view ng lalaking ikinalilito ko.

“Heyy” natuon ang paningin ko kay Luke ng ayusan niya ako ng upuan.

“I can handle myself Luke wag Kang OA please lang baka pag diko mapigilan ang sarili ko ay masapak Kita”

Tumawa lamang ito at tuluyan na akong maupo natigilan ako at napako ang tingin sa sandamakmak na pagkain.

“Seriously Luke anong meron?”

“Oras ng pagkain”

Natawa naman ako at sumandok na ng pagkain ngunit ng muli kong naalala ang dapat kong titignan ay mas lalong kumabog ng malakas ang aking dibdib, unti unti kong nilingon ang kinaruruunan ng lalaki.

And my world suddenly stop when I saw his face again. Feel ko nga halos ilang taon ko siyang hindi nakita at ganon na lang ka miss.

“May business partnership din akong pinuntahan dito” saad ni Luke ngunit ang tingin ko ay na kay Demicco lamang.

Kapag talaga hindi mo hinahanap nagkukusang mahanap, at kapag hinahanap mo naman ang hirap hanapin.

“Ma b-busy ako bukas at sa mga ilang araw but don’t worry dadalawin naman kita dito”

Titig na titig ako kay Demicco, sobrang na miss ko talagang makita ang pagmumukha niya, gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko kaya, nong mga oras na hinahanap ko siya sobra ang confident ko na harapin siya ngunit ngayong andito na kami naduduwag na yata ako. Muling nag flashback sa isipan ko ang nangyari saming dalawa na mas lalong ikinakaba ko, mas lalo akong nahiya sa sarili ko, alam kong madaming connection itong si Demicco at alam niyang sinundan ko siya sa mga bansang pinuntahan niya, kaya mas lalong nakakahiya.

Ayoko munang isipin niyang may gusto ako sa kanya, ayokong magkagusto ang tao sakin ng dahil sa gusto ko sila.

“Do you like the flower?” nabalik ang isipan kong nasa harapan ko pa pala itong si Luke ng marinig ang sinabi niya, buti na lang hindi niya nahalatang may tinititigan ako dahil abala ito sa paglagay ng pagkain sa plato ko.

“Ang korne mo nga eh”

Ngumiti siya at muli ko na namang naalala ang ngiti ni Demicco, magkaiba silang ngumiti dahil minsan lang ngumiti si Demicco at sobrang sarap tignan na para bang bituin na kalangitan na kay sarap pagmasdan buong magdamag. Ngunit itong si Luke parang natural lang na nakikita ko sa mga taong nakakasalamuha.

Totoo naba kaya talagang gusto ko na si Demicco?

 

Stay With Me (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon