Chapter 12

47 32 3
                                    

'Ela POV’

Finally I’m in the Italy! gusto kong sumigaw sa sobrang saya dahil sa wakas makikita ko na si Demicco, from this past few days hindi na ako sinulong ng mga hindi ko kilalang tauhan, at syempre nagpapasalamat ako don. Pagkababa ko pa lang sa eroplano ay agad akong sinundo ng Van papunta sa hotel na naman.

Kung tutuusin napakaboring ng buhay ko. Palaging naka sakay sa eroplano, parating lumilipad papuntang ibang bansa, parating tungkol sa business ang inaatupag, parating mga eleganteng tao ang nakakaharap. Ewan ko ba at bakit pumayag akong maging ganito ang buhay ko.

Biglang nag ring ang cellphone ko pagka baba ko sa Van, may P.A na ako ngayon na taga dala ng mga bagahi since nagiging tamad na din ako.

“Yes?” sagot ko sa tawag.

[“Another bad news, Miss. Angela KhinMenzel”]

Nawala lahat ng excitement ko ng marinig ang kanyang sinabi, ayon nas ana eh, yong sobrang excited naako sa magiging journey ko dito sa Italy, bubungad din naman ng isang nakakaputang-inang bad news.

“Lemme guess it” labag man sa kalooban kong hulaan ang sasabihin niya ay sinabiko na lang “Wala na dito si Demicco”

[“He already came back to the Philippines”]

Agad akong napa-irap sa kawalan, ganyan naman talaga eh, ako tong gumagawa ng paraan na magkita kami muli samantalang siya ay walang pake, ako tong habol ng habol sa kanya sa kung asan siya, siya naman tong alis ng alis.

[“Should I book you a flight going back to the Philippines ma’am?”]

Napa buntong hininga ako, siguro ginagawa niya din to para hindi ako mapahamak. Ang magkita at magkausap kami ay masyadong delikado siguro.

“No, wag na may pupuntahan din naman ako pagkatapos ko dito sa Italy”

[“Okay Po ma’am”]

“I’ll call you if I need anything bye” binaba ko na ang tawag saka nag-angat ng tingin at laking gulat ko ng nasa harapan ko na si Luke.

“Are you stalking me?” mataray kong aniya ngunit tinalikuran lang ako nito na ikinapagtaka ko.

Problema non?

Sa nagdaang araw maayos naman ang naging takbo ng buhay ko sa Italy, Ewan ko din kung anong ginagawa ni Luke dito sa italy, kung nagkataon lang ba o talagang plano niya na ito.

“Ela, are you free tonight?” aniya ni Luke habang papasok nako sa room ko

“No I’m expensive” inirapan ko siya saka pumasok na sa loob ng room agad akong lumundag sa kama at muling tinitigan ang aking kamay na may singsing.

Ilang buwan na din yata kaming hindi pa nagkikita, ano na kayang hitsura niya?, Muli kong naalala ang mukha ni Luke, hindi pa nga pala humihilom ng wasto ang pait na aking nararamdamang sakit noon kay Luke. Yong lalaking andaling bumitaw sa babaeng alam niyang seryosong seryoso sa kanya, porket mahal na mahal ko siya pinapapili niya ako, porket mahal na mahal ko siya ay hinayaan niya kaming magkahiwalay.

Kung totoong Mahal ka ng isang tao, kahit gaano kahirap ang sitwasyon hinding hindi ka hahayaang mawala sa kanya.

Naka-idlip ako sa kakaisip ngunit nagising dahil sa katok. Bumangon ako sa pagkahiga at lumakad ng nakapikit papunta sa pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan ay mukha ni Luke ang bumungad.

“Ano bang oras na? at nam-bebwesit ka na naman?” iritado kong aniya at binigyan ng masamang tingin ito.

“It’s already 10 and yet you still didn’t eat dinner” mahina nitong aniya.

Stay With Me (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon