Chapter 14: Fleeting Moment

4.5K 272 28
                                    

Chapter 14: Fleeting Moment

“Clarabelle, tara na,” mahinang pagtawag sa ‘kin ni Cayden

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Clarabelle, tara na,” mahinang pagtawag sa ‘kin ni Cayden. Marahan na tinapik ni Carsten ang aking balikat upang sabihin na kami’y bababa na sa karwahe. Nang silipin ko ang aking panganay na kapatid, siya’y seryoso kaming pinagmamasdan ni Cayden na parehas na hindi kumikibo sa aming puwesto.

At nang marinig namin ang tunog ng kampana ay parehaskaming buntong-hiningang lumabas at tumungo sa unang gusali ng palasyo kung saan gaganapin ang kanilang Dubbing. Tumungo kami sa bulwagan, kung saan bumungad ang larawan ng magigiting na mga knight at katulad ng nakita ko noong nakaraan may isang larawan ang tila inalis.

Sumunod ako kayna Carsten at Cayden, naupo sila gitnang bahagi ng bulwagan. At kahit na diretso lamang akong nakatingin sa malaking rebulto ng hari sa harapan ay nararamdaman ko ang isang matinding tingin na nagmumula sa aking likuran, nang tinagilid ko ang aking ulo’y nahagip ng aking paningin ang ama ni Vivian na agad na ngumiti sa ‘kin. Pansin ko rin na nandito na ang mga magulang nina Thomas at Thaddeus ngunit wala pa sila.

Nang magpaalam sa akin sina Cayden at Carsten ay naintidihan ko agad na magsisimula na ang seremonya. Tatlong beses na umugong ang kampana kasabay nito ang pagmamartsa ng matataas na ranggo mga knight at kasama ro’n si Alexander.

“Binibining Clarabelle.” Mapait akong napangisi nang marinig ko ang isang tinig, mataray kong nilingon si Amelia na nasa aking tabi na. Nangungusap ang mga mata n’yang nakatingin sa ‘kin tila ba’y may nais siyang ihayag, “Binibini—”

Walang pasabi akong umalis sa aking puwesto at tumungo sa unahan na silya kung saan nakapuwesto ang aking ina, saglit niyang kinamusta ang pakiramdam ko’t napansin kong nilubayan na ako ni Amelia. Samantalang nagmamartsa na ang mga squire ngunit wala pa ang apat na estudyante ni Cayden, nang makarating ang pinakahuling squire ay mas lalo akong nangamba.

Lumuhod ang isang hilera ng mga squire sa tapat ng hari at gamit ang kaniyang espada’y binasbasan niya ang mga ito. Ang dalawang prinsipe nama’y pinapalitan ang kanilang simbolo bilang mga squire at pinapalatan ito ng simbolo ng mga knight. Samantalang, ang aking ama naman ang nagbibigay ng bagong saklob nila bilang mga ganap na knight. At sa dulong bahagi ay nakikipagkamay sila kayna Cayden at sa iba pang matataas na ranggong knight.

Malamlam ang mga mata ni Cayden habang nakikipagkamay sa ibang mga squire tila ba’y nagbabadya ang mga luha niya sa pagtulo. Bago pa man s’ya makapagangat ng tingin sa ‘kin ay bumukas bigla ang pinto kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha habang nakangiti.

Ang apat na squire na dahilan ng aking pagdalo sa lugar na ito ay nandito na, malawak ang mga ngiti nilang nagmartsa patungo sa unahan. Sabay-sabay silang lumuhod sa harap ng hari na saglit sumilip sa aking ama na tumango lamang, kaniyang binasbasan ang apat na nahuli sa pagdating.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon