Chapter 32: With Eyes Widened

3.7K 231 44
                                    

Chapter 32: With Eyes Widened

Kararating lang namin sa emperyo’t pinanlilisikan na agad ako ni Amelia ng kanyang mga munting tingin, kabababa lamang namin sa karwahe’t hinihintay namin sa tapat ng kanyang bahay ang iniwan niyang taga pagsilbi na nakatoka upang pangalagaan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kararating lang namin sa emperyo’t pinanlilisikan na agad ako ni Amelia ng kanyang mga munting tingin, kabababa lamang namin sa karwahe’t hinihintay namin sa tapat ng kanyang bahay ang iniwan niyang taga pagsilbi na nakatoka upang pangalagaan ito.

“Hoy, Clara.” Nakangiwi ko siyang nilingon nang magtama ang mga mata namin, “Sinasabi ko talaga sa’yo, oras na may nangyaring masama sa iyo ay malalagot ka sa akin,” pagbabanta niya.

Natatawa akong umiling sa kanya at ngumisi, “May masama na ngang mangyayari sa akin ngunit hindi pa rin ako makatatakas sa banta ni Amelia. Ayos din pala,” sambit ko.

Kinubli ni Alexander ang kanyang pagtawa sa mga mata ni Amelia. Samantalang, ako’y sinuri ko ang mansion na pagmamay-ari niya. Sampung beses ang laki nito kumpara sa aming tinitirhan, nakabibilib na nakatagal si Amelia na hindi ganito kalaki ang kanyang tinutuluyan.

Dumausdos ang mga mata ko kay Alexander na may bitbit ng aming mga gamit hanggang sa may marinig akong mabibigat na yabag mula sa aming likuran dahilan upang sabay-sabay kaming lumingon do’n.

“Binibining Amelia!”

Isang matandang babae ang agad na tumungo sa tapat ni Amelia. Tila ay galak na galak ito na muli niyang nakita ito sa loob ng mahabang panahon na nawala ito. Lihim naman akong napangisi nang agad itong tumalikod sa babae upang ikubli ang kanyang matamis na ngiti.

Hindi naman nagsayang pa ng oras ang kanyang taga pagsilbi’t binuksan ang pinto, mangiyakngiyak pa nga ito nang nilulusot niya ang susi.

Nang mabuksan n’ya ito ay agad itong lumingon sa amin. Magsasalita sana siya ngunit nanatiling nakaawang ang kanyang bibig nang magtama ang aming mga mata, ngitian ko naman siya ngunit ilang beses siyang kumurap habang nakatitig sa akin.

“May kamukha ka… ano ang iyong pangalan?” Tanong n’ya sa akin.

“Ako po si—”

“Siya si B!” Tarantang sagot ni Amelia. Sumesenyas siya na suportahan ko s’ya dahil tiyak akong hindi niya nais nabanggitin ko ang tunay kong pangalan.

Nakangiwi akong tumango-tango, “Ako po si B… Bibi girl…” Tangina. Anong katangahan ang pinagsasabi ko?

Nagtatakha akong tiningnan ng taga pagsilbi ni Amelia samantalang sila ni Alexander ay lihim na napasapo sa kanilang noo.

“Aling Florencia, siguro’y mas mainam na pumasok na tayo sa loob,” ngiwing sambit ni Alexander.

Kunot-noo naman na tumango ito dahilan upang pitikin ni Alexander ang aking noo bago kami tuluyan na pumasok. Nang makapasok kami sa loob ay halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa sobrang kintab ng loob, tiyak akong mahihirapan ako saglit bago ako masanay sa lugar na ito. Masyado itong marangya kumpara sa aming tahimik na pamumuhay sa baryo.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon