Chapter 40: Twist of Fate

3.4K 207 20
                                    

Chapter 40: Twist of Fate

Chapter 40: Twist of Fate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matured Content

═════◈♔◈═════

At katulad nang paulit-ulit nangyayari, muling nagbago ang paligid. Sa mabilis kong pagdilat sa aking mga mata'y nakita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng opisina ni Nikolai. Ilang beses kong ginala ang aking paningin ngunit kahit isang silay sa anino ni Clarabelle ay hindi ko nakita.

Abala si Nikolai sa pagbabasa ng mala-bundok niyang mga papeles, batid ko rin na ilang taon na ang lumipas dahil bahagyang tumanda ang itsura n'ya. Agad siyang tumigil nang may kumatok at nagbukas ng pinto, binaba niya ang kanyang hawak na papel at hinarap si Cassimo.

"Ginoong Cassimo, ano pong maaari kong maitulong sa inyo?" Magalang na tanong ni Nikolai.

May galang na yumuko si Cassimo, "Nais kong bisitahin ang aking anak, Mahal na Prinsipe." At dahil abala si Nikolai sa kanyang gawain ay tumango lamang siya dahilan upang ngumiti si Cassimo at umalis.

Ngunit hindi nakatakas ang kakaibang n'yang ngiti sa mata ni Nikolai, nang tumayo siya at akmang susundan ang ginoo ay muling bumukas ang pinto. Isang galit at nanlilisik na mga mata ni Amelia ang bumungad sa kanya habang dinuduro ang pinto.

"Bakit napakaraya mo, Nikolai?! Si Cassimo'y iyong pinayagan upang dumalay kay Clara ngunit ako'y agad mong pinalayas kanina!"

Buntong-hiningang hinarap siya ni Nikolai, "Kaibigan ka lamang, Amelia. Si Ginoong Cassimo'y kanyang ama-"

"Isang taon na kayong kasal ni Clara ngunit hindi ka pa rin nakahahalata sa linggo-linggong pagbisita ng hayop na iyon!"

"Amelia!" Pagbabanta ni Nikolai, "Mag-ingat ka sa iyong mga sinasabi! Nasa palasyo ka't wala rito si Alexander upang ipagtanggol ka."

"Ngunit hindi ko maiwasan... Lalo't lalong-lalo na isa kang mangmang, tanga, tarantado-"

"Naririndi ako sa'yo, Amelia."

"Isa kang bulag, bingi-"

"Amelia!"

"Nikolai na inutil, mangmang-"

Pinitik ni Nikolai ang noo ni Amelia dahilan upang mapatigil ito, isang matalim na tingin naman ang binigay sa kanya ni Amelia dahilan upang mapabuntong-hininga muli si Nikolai.

"Matagal nang natigil ang pang-aalipusta ni Ginoong Cassimo kay Clara. Pare-parehas nating alam 'yon-"

"Paano ka nakasisigurado? Sa tingin mo ba'y katiwatiwala pa rin ang mukhang 'yon matapos ang ginawa nila ng iyong ama?" Nangungusap na tanong ni Amelia. Saglit nag-iwas ng tingin dito si Nikolai at marahan na ginulo ang buhok nito, "Hindi ba't inakala mong maibabalik mo sina Columbus dito sa pag-aakalang ipapasa niya ang trono sa'yo pagkatapos niyo makasal ni Clara?"

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon