Chapter 25: Solitude

4K 269 64
                                    

Chapter 25: Solitude

Chapter 25: Solitude

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ah, tangina

Jowa ba ni Carsten si Beatrice? At kung mayroon man silang nakaraan, ano na lamang ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang ginawa ng sarili niyang ama sa kasintahan niya?

Kagat-labi akong bumalik kung saan nagpapahinga si Columbus, at katulad kanina bago ako umalis ay nakapikit pa rin ang mga mata niya. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi at pinagmasdan siya, hindi siya gumalaw o kahit ano pa man. Ibig sabihin lamang ay tulog na siya.

May pagkabobo talaga ito e. May kwarto naman pero rito na-tripan matulog.

Pinagmasdan ko lamang siya nang maalala ko na may utang pa ako sa kanya. Hindi ko pa nagagawang magpasalamat sa pagligtas niya sa akin dahil tuwing hahanapin ko siya’y tambak ang kaniyang gawain.


Paano ako magpapasalamat sa kanya ng hindi ko siya nagigising?

Ilang beses akong kumurap at naiilang na ngumiti dahil sa isang ideya na pumasok sa aking utak. Tumingin muna ako sa paligid bago ako lumapit sa kanya at mabilis na humalik sa kanyang pisnge.

Bago pa man ako makalayo’y naramdaman ko ang kanyang braso sa aking likuran kasabay nito ang pagmumulat niya ng kanyang mga mata.

“Anong ginagawa mo?”

Iwas-mata akong ngumiwi, “Binabayaran ang aking utang… nagpapasalamat sa’yo…”

“Napakahina mo naman.” Nagulata ako nang hinapit niya ang aking baiwang dahilan upang mapaupo ako sa kanyang binti saka siya ngumisi, “Kung ganoon ka magpahayag ng iyong pasasalamat. Ganito naman ako magsabi ng ‘walang anuman,’” sambt niya.

Ilang beses akong napakurap habang nakapako ang aking mga mata sa kanya. Ang dalawang kamay niya’y nasa aking baiwang habang ang mukha namin ay palapit nang palapit sa isa’t-isa. Mabilis niyang dinilan ang kanyang pangibabang labi dahilan upang bahagya akong makaramdam ng uhaw.

Habang lumiliit ang distansya namin ay mas lalong lumalakas ang tibok sa aking dibdib. Marahan kong pinikit ang aking mga mata kasabay nito ang paghigpit ng kapit niya sa aking baiwang.

“Wala ba kayong mga silid?”

Mabilis kong minulat ang aking mga mata at tinulak si Columbus dahilan upang tumama ang ulo niya sa puno. Taranta akong tumayo at naiilang na sinilip ang bagong dating.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon