Chapter 18: Keeper of Truth

4.5K 342 110
                                    

Chapter 18: Keeper of Truth

Saglit akong natanga dahil sa panibagong impormasyon na binigay sa akin ni Amor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Saglit akong natanga dahil sa panibagong impormasyon na binigay sa akin ni Amor. Hindi ko ito magawang marehistro sa mabilis na paraan, tila ba’y masyado pang abala nag aking isipan sa kalungkutan at ang bagong kaalaman ay masyadong mabigat para sa ‘kin.


Binagsak ko ang aking sarili sa kama, pilit inaalala ang mga sinabi ni Amor bago siya lumisan sa silid. Marahan kong pinikit ang aking mga mata at minasahe ang aking sentido. Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay napamulaga lamang ako sa kisame.


Ang kasalukyan na hari ng emperyo ay si Haring Nicholas, samantalang si Ginoong Charles, na ama ni Alexander ang bunso. At ayon kay Amor, si Pinunong Adelio ang panganay sa magkakapatid. Kung saan, isang taon lamang nagawang maghari ni Pinunong Adelio dahil puwersahan siya pinatalsik ng tatlong matataas na tao sa emperyo na kabilang sa tatlong mataas na pamilya.


Pinagkaisahan ng mga Hamilton, sa pangunguna nina Nicholas at Charles, at mga Marquez sa pamumuno ni Cassimo ang pagpapatalsik kay Pinunong Adelio. Samantalang, nanatiling tapat ang pamilyang Montgomery sa kanya. Ngunit hindi iyon naging sapat upang manatili ang pinuno sa kanyang puwesto.


At ngayon ko lamang din nalaman na si Thaddeus ay isang Montgomery, ang nag-iisang anak na lalaki ng pangalawang pinakamalakas na pamilya sa emperyo.

Ngunit hindi hinayag ni Amor ang dahilan kung bakit naging ganoon ka tuso ang dalawang pamilya, nang palayasin ang pamilya ni Pinunong Adelio. Ang marka ng pagiging Hamilton ay ninakaw sa kanya at ngayon ko lamang napagtanto na ang larawan ng hari na nawawala sa pasilyo ay pagmamay-ari niya. Ngunit sa anim na taon na nakalipas ay sariwa pa rin ang memorya ng trahedya kayna Columbus lalo na’t anim na taon na rin ang nakalilipas simula ng hindi nila nagawang mailigtas ang kaniyang ina at kapatid.

Mapait akong napangiti nang maalala ko ang pagsugod ng mga rebelde no’n, kung saan nakita ni Nikolai si Pinunong Adelio. Ang pagkagimbal niya ay hindi dahil sa ‘kin, ito ay dahil kilala niya ang lalaking kaharap ko noon.


Saglit akong napaisip kung si Pinunong Adelio pa rin ang hari, marahil ay si Columbus ang crowned prince at hindi si Nikolai. Marahil ay si Columbus ang makakaisang dibdib ko. Marahil ay—


“Gaano na kalalim ang nalalangoy mo?” Bigla na lamang akong napabangon dahil sa nagsalita. Nauntog pa ako sa pader dahil do’n.

Tangina Wala sa sarili akong napahawak sa aking dibdib at hinarap ang siraulong lalaki, “Sobrang lalim. Ang dami ko na ngang nabingwit e,” pabalang kong sagot. Pailing-iling naman itong ngumisi sa akin at umupo sa aking tabi.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon