Chapter 20: A Genuine Vow

4.2K 290 63
                                    

Chapter 20: A Genuine Vow

Nakapako ang aking mga mata sa himpapawid habang nagpapahinga ako sa ilalim ng puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakapako ang aking mga mata sa himpapawid habang nagpapahinga ako sa ilalim ng puno. Sinandal ko ang aking ulo sa puno’t marahan na pinikit ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa aking tabi ngunit nanatili akong tahimik sa aking puwesto. Pagod ang katawan ko dahil sa panibagong paraan ng aking pag-eensayo. Tangina kasi ni Alexander.

“Mainom ka ng tubig,” sambit ni Columbus kasabay nito ang pagmulat ko sa aking mga mata. Inabot n’ya sa akin ang isang bote at naupo sa aking tabi.

Saglit niya muna akong sinulyapan saka tumingin sa himpapawid, nagulat ako nang bigla niyang hiniga ang aking ulo sa kanyang balikat.

“Huwag ka nang mag-salita pa.”

At katulad nang sinabi niya’y nanahimik lamang ako’t ininom ang tubig na kanyang binigay.

“Uy, ano ‘yan?”

Naibuga ko ang tubig kay Columbus dahil sa biglaang pagsulpot ni Amor sa aming harapan. Ang mapanuksong niyang mga tingin ay mas lalong lumilitaw habang siya’y nakatingin sa amin.

Mabilis naman kaming tumayo ni Columbus na tila ba’y hindi namin alam kung ano ang sinasabi ni Amor. Malakas na tumawa si Amor ngunit agad nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita ang kaniyang kasama.


Nanlalaki ang mga mata kong tinuro ang babaeng nasa likuran niya, “Aling Maria?”

Paanong… Hindi ko maintindihan.

Yumuko si Columbus sa kanya at niyakap ito, “Aling Maria, kumusta na po kayo?”

“Katulad pa rin ng dati, ijo.” Bumaling sa ‘kin si Aling Maria at tumingin ito sa aking mga mata na tila may nais siyang ihayag, “Kumusta ka naman, ija?”

“Maayos lang po ang aking kalagayan,” magalang kong sagot.

Ngumiti ito sa ‘kin, “Mabuti naman kung gano’n. Naulat ko na sa pinuno ang dahilan kung bakit ako nagsadya sa lugar na ito, ngunit sa tingin ko’y marapat kung ako mismo ang magbabalita sa’yo nito, ija.”

“Ano iyon, Aling Maria?”

Pinagmasdan ko siya habang malungkot at nangungusap ang mga mata niyang nakatingin sa ‘kin. Kahit saang anggulo ko talaga tingnan si Aling Maria ay hindi ko aakalain na miyembro siya ng mga rebelde. Napakagaling niyang magkubli ng kaniyang sikreto.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon