Chapter 29: Saudade

3.9K 247 42
                                    

Chapter 29: Saudade

“Sa tingin mo ba’y masisindak ako ng iyong mga munting salita, Columbus?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Sa tingin mo ba’y masisindak ako ng iyong mga munting salita, Columbus?”

Dahan-dahan na kumubra ang isang ngisi sa aking labi habang ang kanyang tingin na pinupukol sa akin ay lalong dumidilim. Mayabang kong tinagilid ang aking ulo’t tinapakan ang kanyang unico ijo dahilan upang siya’y lalong magpuyos sa galit.


“Sinagot ko lamang ang iyong tanong… hindi ko alam na sapat na iyon upang masindak ka.”

Halos pumutok na ang kanyang mga ugat na dinuro ang dalawang kawal n’ya upang ako’y sugurin. Saglit kong sinulyapan si Carsten na agad humarang sa aking harapan at bago pa man mailabas ni Casrten ang kanyang espada, agad na tumigil ang dalawa dahilan upang lalong mapapadyak sa galit ang aking tiyuhin.

“Mga walang kwenta!” Galit na n’yang hinarap si Carsten, tila hinahanap ang mga salitang dapat niyang bitawan, “Isa kang traydor, Carsten! Tinatapon mo ang iyong titulo para sa taong—”

“Anong titulo ang iyong sinasambit?” Tanong ni Carsten na agad nagpatahimik sa hari, “Titulo, kaibigan o pamilya… walang kahit sino o ano ang makapipigil sa ‘kin upang pumanig sa tama. Kailangan nang magwakas ng inyong baluktot na sistema, masyadong mahaba na ang limang taong pagtitiis ni Haring Adelio sa iyong mga kahibangan.”

“Estupido!”

Ngumisi si Carsten at pinadausdusan ng tingin ang mga kasama ng hari bago muling tinuon ang atensyon do’n, “Hindi isang kahunghangan ang tumalikod sa mga taong nang aalipusta ng mga mahihirap.”

“Carsten,” pagpigil ko sa kanya. Ngunit imbes na ako’y pagtuunan niya ng atensyon ay mas lalong dumilim ang kanyang tingin sa hari.

“Oras na malaman kong isa ka sa dahilan kung bakit nawawala ang aking bunsong kapatid… asahan mong ako ang kikitil sa iyong buhay… sa mismong harap ng mga taong sinasamba ka.” Ngumiti si Carsten na nagging dahilan upang mapalunok ang hari dahil sa kaba, bahagya siyang humakbang paatras at nagtago sa kanyang mga kawal, “At ngayong alam na ng lahat na hindi nakalimot si Clara, marahil ay lalo kang natakot sa kanyang prisensya lalo na’t siya ang susi upang malaman ang iyong ginawa sa iyong sariling ama.”

Wala sa sarili akong napangisi sa hari, “Ah… nga pala, malapit na ang aking kaarawan. Gamitin mo na ang mga natitirang sandali mo upang ayusin niyo nina Cassimo ang inyong kulungan na tutuluyan.”

Ang mga butil ng pawis sa kanyang sentido’y dahan-dahan na umagos at bago pa man kami tuluyang makaalis ni Carsten sa silid ay sinipa kong muli si Nikolai. Wala lang, naiinis lang talaga ako sa kanyang mukha.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon