Chapter 30: Slip of Mind

3.7K 222 20
                                    

Chapter 30: Slip of Mind

Chapter 30: Slip of Mind

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matured Content

═════◈♔◈═════

“H’wag! H’wag niyo akong hahawakan!” Paulit-ulit kong sigaw nang sinubukan akong hawakan ng isang lalaki.

Naluluha kong siniksik ang aking sarili sa gilid ng silid, pilit kinukubli at nilalayo ang aking sarili sa kanila.


Sino sila? Sasaktan ba rin nila ako Bakit ba nila nais akong lapitan?


Ayoko… Ayoko sa kanila. Ayoko ng masaktan muli

Ayoko ng mga memoryang tumatakbo sa aking utak… Ayoko ng mga ito.

Paulit-ulit na naglalaro sa aking utak ang memorya ng isang lalaki, pilit akong hinahawakan sa buong parte ng aking katawan at tuwing nanlalaban ako’y sinasaktan ako nang paulit-ulit. Tila hindi man lamang ito nakararamdam ng kahit kaunting awa sa akin.


Ayoko na… nais ko na wakasan ang lahat.

“Clara…” Dinig kong tawag sa ‘kin ng babae. Malambing niyang nilahad ang kanyang kamay ngunit takot ang nanguna sa aking sistema. Marahas akong umaling hanggang sa humakbang siya palayo sa ‘kin, “Hindi ka namin sasaktan.”

At kahit na madilim ang lugar, naaninag ko pa rin ang paglingon niya sa kanyang kasamang lalaki, “Alexander… anong nangyayari kay Clara? Maayos naman siya kahapon. Nakilala n’ya pa nga tayo hindi ba?”

Sa pagpupumilit kong makalayo sa kanila, nadanggil ko ang isang lamesa kung saan nahulog ang mga kubyertos. Agad kong kinuha ang tinidor, nang binalak kong itarak iyon sa aking palpulsuhan ay agad iyong kinuha sa akin ng lalaki.

“Pakiusap… H’wag, Clara.” Isang panibagong memorya ang naglaro sa aking utak nang hawakan niya ang aking palapulsuhan.

Ang lamig at mahigpit ng mga bakal na nakatali sa ‘kin habang ako’y paulit-ulit na nilalatigo, maging ang isang nakatatakot na ngiti at malalamig na halakhak ay pilit na bumabaon sa aking utak.

Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong lumuhud at yumuko sa dalawang taong kaharap ko habang ang mga luha ko’y paulit-ulit na umaagos, “Patawarin niyo ako… H’wag niyo akong sasaktan. Parang awa niyo ho…”


“Clara…” sambit ng lalaki.


Sino ba si Clara? Hindi ko maintindihan. Wala na akong maintindihan.

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon