Chapter 27: Unexpected Glimpse

3.8K 280 43
                                    

Chapter 27: Unexpected Glimpse

Chapter 27: Unexpected Glimpse

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matured Content

═════◈♔◈═════


Sa pagmulat ko sa aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang malamig na bagay na nakagapos sa aking palapulsuhan at paa. Ilang beses kong sinubok na bawiin ang aking mga kamay ngunit mahigpit ang kadenang naggagapos dito sa dulo ng kama, nang igala ko ang aking mga mata. Ang madilim na silid ang bumungad sa 'kin at sa pagkurap ko ng aking mga mata, bigla na lamang ako nakaramdam ng sakit sa aking sikmura.

Kusang tumulo ang aking mga luha nang marinig ko ang humuhuning tinig ni Nikolai at ang bawat yabag ng kanyang mga paa'y nagbibigay ng kakaibang takot sa aking katawan. Agad siyang ngumiti nang magtama ang aming mga mata at sa pagluhod niya sa aking harapan ay agad niyang inangat ang aking baba.

"Gising ka na pala, Lady Marquez." Bumaba ang tingin niya sa aking katawan, ang aking buo at maayos na damit ay tagpi-tagpi na ngayon. Tila ba'y binuhos niya ang oras upang wasakin iyon habang wala akong malay.

Ang paningin ko'y hindi pa rin maayos, nandidilim at tila umiikot pa rin ang paligid ngunit dahil sa kakaibang prinsensya niya ay nagiging malinaw ang kanyang istraktura. Ngumisi sa akin si Nikolai at nagsimula siyang lakbayin ang aking ibaba gamit ang madumi niyang kamay kasaby no'n ang pagpilit niyang tanggapin ko ang labi niya.

At dahil sa pagod, hindi ko magawang manlaban. Hindi ko mapigilan ang matawa sa takot, nang dahil sa mga kapahangasan ko'y mas napabilis lamang ang magiging pagkamatay ko sa mga kamay niya. Nawalan ng silbi ang limang buwan na palugid sa akin ni Cynthia.

"Aking Clarabelle..." Malambing niyang sambit. Impit akong napasigaw niyang diinan niya ang hawak sa aking sugat sa may sikmura.

Nang magpumiglas ako dahil sa sakit ay bahagya siyang lumayo at malamig na humalakhak, "Clarabelle... Clarabelle..." mariin akong napakagat sa aking labi nang makaramdam ako ng hapdi sa aking binti, paulit-ulit niya iyong nilatigo na tila ba'y nasisiyahan siya sa aking paghihirap.

"Mangako ka sa 'kin na hindi ka na muling aalis sa aking tabi. Ititigil ko na ang lahat ng ito... Bumalik na tayo sa dati, Clarabelle."


Nanatiling tikom ang aking bibig habang ang mga luha ko'y mas lalong umagos sa aking mga pisnge. Nang muli siyang lumapit sa akin ay marahan niyang hinaplos ang aking pisnge at pinunasan ang aking mga luha, malambing niyang pinangmasid ang kanyang mga mata sa akin kasabay nito ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.


"Sa'yong-sa'yo lamang ako, Clarabelle..." Matamis siyang ngumiti sa akin, muli niyang hinaplos ng may buong alalay ang aking mga pisnge, "Sabihin mo na ako lamang... Sabihin mong ako lamang ang iyong mahal at wala ng iba."

The Lady from YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon