Kabanata 8

1.6K 79 1
                                    

Ngayon alam kona ang ibig sabihin ni Arthur na, habaan ko ang pasensiya ko sa pagtuturo sa peste na nasa side ko ngayon at nakahawak sa noo niya. Masakit naba ang ulo niya?

Ako hindi ba niya tatanungin kung okay pa ako?

Kanina pa kami paulit-ulit sa simple problem solving na binigay ko sakaniya, hindi pa rin niya makuha naiirita na ako kaso... kailangan ko siyang turuan alang-alang sa scholarship ko.

Alang-alang sa mga magulang ko.
Nagsimula palang ako sa basic problem solving mahirap na? Ano bang pinaggagawa ng lalaki nato sa maynila bakit walang alam?

Parang bata na tinu-turuan ng paulit-ulit hanggang sa makuha niya.

Sampu ang ginawa kong example tapos pinagsagot ko siya ng dalawang beses ng iwanan namin iyon para ituro sakaniya ang long method napahawak nalang ako sa ulo ko kasi nakalimutan nadaw niya.

"Really kakaturo ko palang kanina doon sayo ha?" Pinipigilan kolang mainis kasi pagod nako.

"Oo nga kaso mahaba yung long method kaya nagkagulo sa utak ko. Ituro mo ulit." Bwisit! Peste ka talaga!

"Malamang mahaba kayanga long method diba? Sige balik tayo sa una." Binalikan namin ang una at mabuti nalang hindi kona sampung beses tinuro sakaniya 5 beses nalang na iba't ibang example.

"Ms. Chelsie at Sir. Third tawag na ho kayo sa baba mag dinner nadaw po kayo." katok ng isang katulong sa kuwarto niya. Napangiti naman siya at nag unat-unat.

"Let's eat first before we continued that."

"Hindi pa ako gutom mauna kana, gagawan pa kita ng masasagutan mo." nanlaki naman ang mga mata niya.

"Let's eat first, sabi mo masama sa kalusugan na walang laman ang tiyan baka pumurol ng utak mo niyan."

Anong nakain nito?

Bakit biglang bumait?

Or baka nahihiya kasi paulit-ulit nalang kame?

Dapat lang no!

"Kaya kopa busog pako" nagsulat ako para sa susunod na topic para handa ako.

"No we're eating first let's go. Pag hindi kapa tumayo diyan bubuhatin kita." Sira ulo talaga! Peste!

"Busog panga ako" Nang akmang bubuhatin na niya ako saka ako tumayo. Bwisit na pesteng to nakainis.

"Pabebe pa hoy hindi mo bagay tara na." Sabi konga hindi pa siya nagbabago. Ganon pa rin ang ugali.

Lumabas kami sa kuwarto niya tsaka dumaretso sa dining area nandoon na lahat pero hiindi pa sila kumakain.

Hinihintay ba nila si Third? Nakakahiya naman natagalan siya sa pagtanggi ko.

"Kain na hija, huwag kang mahiya." nagpwesto naman ako sa tabi ni Third dahil doon nalang ang bakante.

"Kamusta ang pagtuturo hija?" Muntik naman akong mabulunan sa tanong ni Mrs. Jena (Mrs. Fuentez) sa akin kaya napatawa sila. Binigyan ako ng tubig ni Third.

"Dahan-dahan naman akala ko bang hindi ka gutom?" Nagtama ang mga mata namin ng tingnan ko ito.

"Ehem. Sa itsura palang ni Chelsie alam nanamin kung ano. Basta hija igihan molang walang nakakatagal na magtutor diyan eh." Sabi ni Mr. Fuentez.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon