Kabanata 20

1.4K 71 0
                                    


"Sa mga kapwa ko studyante pumunta na po tayong lahat sa court para sa first game ng basketball ngayon. Kailangan may mga taga cheer ang mga pambato niyo para ganahan silang lahat. Excuse kayong lahat dahil magsisimula na ang program sa intrams!" Sigaw ng isang officer na nagpunta sa classroom namin.


"Third maglalaro kaba ngayon?" Lalaban siya?


"Hindi. Uuwi agad ako may session kami ngayon ni Chelsie." napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko at kaklase.


"Pagbigyan mona siya kahit ngayong araw lang chie. Intrams naman sige na." Sabi ng iba naming kaklase.



"Ang kj mo naman kung hindi mo siya hahayaang maglaro." Gulat akong napatingin kay Isabell. Hindi ako nito kinakausap dahil ayaw niya ako.


"Payagan mo na gala nalang tayo kung ayaw mong manuod" Bulong naman sa akin ni Gil. Kaya napatingin ako sakaniya at tumango bilang pagsang-ayon.

"Third pagkatapos nalang ng intrams tayo ulit mag-aral para mas malapit sa exams at matatandaan mo agad. Tara Gil" tinalikuran ko ito.


"Wait, hindi ka manunood?" Hila niya sa braso ko dahilan ng pagkahinto ko sa paglalakad. 


"May lakad kami ni Gil, goodluck." inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko saka na naglakad palayo sakaniya.

Palayo sa taong gusto kong yakapin ng mahigpit at ipagdamot pero hindi maari.

"Tss. Girl ginusto mo iyan diba? Kayanin mo." Sabi naman ni bubs habang nasa likod namin.

"Akala koba manunood kayo?" Takang tanong ko sakanila ni Darwin.

Nagkibit balikat lamang ang mga ito "Practice nalang tayo ng badminton?" Mabuti panga para maalis naman ang mga iniisip ko sa ulo ko.

"Game?" Nakangiting turan nito sa akin.

"Game"

Nagtawanan naman sila bubay ng makita nilang ako ang matatalo sa pag score ni Darwin.

"Dinadaya niyo ako eh!" Natawa naman silang lahat saka ako niyakap.


Una masaya lang ako na si bubay lang ang naging kaibigan ko.Dumating si Darwin at Gil mas dumami ang mga pinagkakatiwalaan ko at masasandalan sa tuwing may problema ako.


"Makakaya mo din iyan, pero huwag mo kakalimutang may deal tayo." pagpapa-alalala ni Gil sa akin bago pinat ang ulo ko.

"Iyong plano tandaan mo hindi kami nagbibiro" tumango naman ako sakaniya at pinagpatuloy na ang paglalaro namin.


"Silip tayo sa court? Kahit silip lang?" Hindi talaga matitiis nito ang kaharutan sa balat.

"Maghahanap kalang ng lalaki doon eh, nandito naman ako sa harap mo naghahanap kapa ng iba." nag-irapan naman silang dalawa hanggang sa nagdecide nadin kami ni Gil na umoo nalang.


Silip lang naman daw.

"Gil!" Nagulat naman si Gil ng bigla nalang may umakbay sakaniya.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon