Kabanata 30

1.4K 72 2
                                    


"Tahan na chie" Pagpapatigil ni Darwin kay Chichie sa pag-iyak.


"Anong magagawa mo kung gusto niyan umiyak ha?!" Sigaw naman ni Faith sakaniya.


"Hindi naman kasi natin siya pwedeng pabayaan nalang na umiyak ng umiyak diyan gaga!" Magsismula nanaman dapat sila sa bangayan nila ng pinatigil sila Gil at Jae.


"Para kayong mga aso't pusa! Ikaw ang ming-ming tinis ng boses!" Inis na wika naman ni Jae kay Darwin na inirapan lang siya


"At ikaw naman ang aso ang laki ng bunganga mo!" babatukan dapat niya si Gil ng tingnan sila isa-isa ni Chelsie


"Magsilayas nga kayo sa harap ko lalo niyo lang pinapasakit ang damdamin ko" Umiiyak padin niyang sabi.


"Wala naman ganyanan Chie. Alam namin na broken hearted ka ngayon kaya nga kami nandito diba para pagaanin ang loob mo" Pumiling lamang di Chelsie sakanila saka na ito pumasok sa loob ng kanilang bahay.


Pasalamat lang siya ngayom dahil wala ang mga magulang niya at hindi siya nito nakikitang umiiyak. Kapag nalaman nila paniguradong pagsasabihan pa siya ng mga ito.


"Nakausap mo naba si Third?" Tanong sakaniya ni Faith saka siya tinabihan sa kahoy nilang upuan. Pumiling naman ito saka nagsalin ng tubig sa baso at uminom.


"Bakit hindi mo siya subukang kausapin?" Sambit naman ni Darwin sakaniya.


"Kaya kong mag kwento sayo ng mga nangyari kung bakit sila nagkaganon pero kung ayaw mo okay lang, naiintindihan kita" Sabi nama ni Gil sakaniya.

Ilang araw nadin siya nitong kinukulit na magkukwento siya kaso ayaw niya dahil hindi pa siya handa.


"Sa amin kwento mo" Magkasabay na sabi ni Darwin at Faith. Nagkatinginan sila saka sabay na iniripan ang isa't isa.


"Dalawang linggo lang ang sembreak chichie tandaan mo kailangan mo maayos ang problema mo lalo na papasok na ulit si Third sa school"


Gulat naman siyang napatjngin kay Darwin at tumango ito ng dalawang beses na nagsasai siya ng totoo.


"Mag kwento kana chie kung ano nangyari 3 araw na kaming pabalik-balik dito oh" Tingin nitong malumanay kay Chelsie. Bumuntong hininga siya at nagsalin ulit ng tubig sa baso at nilagok ng mabilisan saka sila tiningnan lahat

The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now