Kabanata 33

1.3K 65 3
                                    


"Hija, maari ba tayong mag-usap?" Pigil sa braso na hawak ng Ina ni Thunder at Third.

Tumango lamang siya saka na sinundan ito sa sala at pinaupo sa isa sa mga sofa na naroon.

"Do you want coffee, juice, or water?" Nginitian niya ito "Tubig nalang po Mrs. Fuentez" Nahihiya nitong turan. Nagtawag naman ito ng isa sa mga katulong at nagpakuha ng dalawang baso ng tubig at nilapag sa center table.


"Natakot akong sabihin sa iyo ang totoong nangyayari dahil pinapamukha sa akin ni Thunder na wala akong pakialam sakaniya at wala akong kwentang ina. I'm selfish because of that kasi gusto kong magkaayos sila kaya ko iyon nagawa I'm so-sorry Chel-sie" Umiiyak na sabi ng ginang sakaniya at handa na itong lumohod ng hinawakan siya ni Chelsie para hindi matuloy ang kaniyang binabalak na pagluhod sa kaniyang harapan.


"Masakit na malaman mula sa inyo na alam niyo na pala sa una palang, pero nagbulag-bulagan lang kayo na parang walang alam kahit may nasasaktan na. Opo masakit sa akin na napaglaruan ako ni Thunder at pinaniwala akong siya ang Third na nakilala ko noon pero wala na tayong magagawa pa tita nangyari na ang nangyari tapos na. Tanggapin nalang natin na Third and I don't have a chance to be together at huwag po kayo mag-alala ako na ang iiwas sa kambal. I mean to Third para hindi na po kayo mabahala sa sakit niya dahil sigurado akong hindi na babalik pang muli rito si Thunder."


"Patawarin mo ako hija..." Naluluhang wika muli nito sakaniya saka siya hinawakan ang kaniyang mga kamay.


"Alam ko hong nagawa niyo lamang iyon para sa anak niyong nawalan ng ilang taon na atensiyon pero gaya nga po ng sabi ko nangyari na ang nangyari. Wala ng magbabago pa doon, hindi po ako galit sa inyo galit ako kay Thunder wala siyang puso para gawin iyon sa sarili niyang kakambal. Mauna na po ako wala na din po akong gagawin dito hindi na kailangan ni Third ng kaalalay dahil buhay probinsiyano siya. Masaya po akong nakabalik na siya." Hindi na niya hinintay pang sumagot si Mrs. Fuentez saka na umalis sa bahay na akala niyang hindi na niya mapupuntahang muli dahil sa sakit na at pagpapanggap na ginawa sakaniya ni Thunder.


"Sinabi ko naman sayo hindi ba, masasaktan kalang dahil ang kilala kong Third ay may mabuting puso. At iyong Thunder na nagpanggap na amo ko halimaw ang ugali." Bungad na sambit sakaniya ni Two saka nalamang na natawa sa word na sinabing may halimaw na ugali si Thunder. 


"Kasalanan konga naman hindi ako nakinig sa iyo kahit palagi mo akong pinipigilan na huwag siyang patulan pero wala eh tumibok ang puso ko sa maling tao. Kuya Two ang sakit pala sa pakiramdam at dito (Turo niya sakaniyang puso) na napaglaruan kalang ng taong mahal mo. Na ni katiting wala siyang nararamdaman para sayo." Niyakap lamang siya ng binata at hinagod-hagod ang kaniyang likod para uminahon at tumahan sa pag-iyak.


Wala siyang ginawa sa loob ng dalawang linggo kung hindi ang umiyak kaya naman kahit may pasok na ang mga ito mas minamabuti padin niyang dumidistansiya sa mga kaklase niyang lalaki. Tanging mga kaibigan lamang niya ang nakakalapit sakaniya at sa pag-uwi naman palagi lamang itong nakatulala sa kawalan at iiyak nalang sa isang sulok.


Inalala ang mga masasayang araw na magkasama sila ng Thunder, "Bakit hindi ko siya makitaan ng paghihiganti sa kaniyang mga mata? Ganoon ba siya kagaling sa pagpapanggap na mahal niya ako kaya hindi ko manlang ito napansin?" Napasabunot siya sa sariling buhok bago binuksan ang kaniyang mga notebook na kailangan niyang pag-aralan dahil hindi siya nakikinig sa mga nagdaang pinag-aaralan nila. Pero kahit anong pagkukundisyon sa utak niya hindi niya magawa kaya naisipan nalamang nitong mahiga at huwag na mag-aral.


I love you, baby...


I love you too, peste...


Huwag mo akong iiwan ha? Hindi ko kakayanin kapag nawala kapa sa akin.


Hindi mangyayari iyon and please baby do the same thing dahil hindi ko kayang malawa ka sa akin at may nagmamay-ari ng iba sayo.


Naglandas ang mga luha sa kaniyang pisngi ng maalala ang mga pinangako nila sa isa't isa, na walang bibitaw sakanilang dalawa.


I'm still in love with him

Pagak siyang napatawa sa pumasok sa isip niyang iyon saka nalamang itinulog kahit may nararamdamang mabigat na damdamin.





***


"I want to see her Gil, Hannah please." Pagpapakaawa sakanilang dalawa ng kanilang ina.


"No Mom. Hindi ito ang tamang panahon para makilala kaniya, maybe soon just wait." napabuntong hininga naman ang kanilang ina sa narinig.


"Ang tagal niyo na palang alam bakit hindi niyo ako tinawagan agad!" Sigaw nitong muli sakanilang dalawa ni Gil.


"Your both busy with our business that's why and Mom she's nice at nasa mabuti siyang pamilya ngayon." Nakangiting sambit naman sakaniya ni Hannah


"I miss my twin,Hannah" 


"Call me ate idiot! and seriously Gil? Palagi mo kaya siyang kasama!" Binelatan lang siya nito na ikina-iling ng kaniyang mga magulang.


"Maganda ba siya kamukha ko?" Agaw pansin na naman ng kanilang ina. Nginisihan lamang siya ng dalawa saka na tumakbo papunta sa sariling kwarto.


"Hey, I'm asking!" Pero hindi na nila nilingon ang ina at ang ama. 


"You will see her soon honey. Me too I can't wait to see my princess" Ngiting sabi naman ng kaniyang asawa.


"Kailangan nating bumawi sakaniya napakaraming taon natin siyang hindi nakasama." Tumango lamang sakaniya ito at hinalikan sa noo bago tumango.


"We will"





The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now