Kabanata 13

1.4K 75 2
                                    


"Ate boyfriend moba iyon? Kanina pa nakatingin dito eh" Anong boyfriend? Sinuntok kopa yan eh kainis kanina pa asar ng asar dito, hindi makapag concentrate ang studyante ko.

"Hindi kapa ba tapos? Mag alasingko na ng hapon ha?" Kita niyo na? Makapag tanong kalamo siya ang nagtuturo

"Lumayas kanga sa harapan ko, naiirita ako sa pagmumukha mong mukhang peste." Mukha naman itong napikon sa sinabi ko.

"Anong peste? Baliw kaba sa gwapo kong to tatawagin mo lang akong peste?" Sobrang lakas ng hipo-hipong dumaan sa paligid mabuti nalang hindi ako natangay.

"Third tara na kasi sa arcade muna tayo" Yaya naman sakaniya ng mga pinsan niya. Sumama naman ito sakanila na ang sama ng tingin kay july.

"Huwag mo nang intindihin iyon, magsimula na tayo ulit?" 

"Sige po ate" Agad naman naming tinuluy kung saan kami nahinto kanina dahil sa mga pinaggagawa ng peste nayun. 

Tinadyakan ba naman ako sa ilalim ng mesa at palaging pinanlalakihan ng mata kapag tinitingnan ko sa mata si July kung nakikinig ba ito sa akin o hindi.

"Parang may gusto sayo yung lalaki kanina yung tinatawag mong peste ate." Jusko ang bata pa ni July para malaman ang mga ito.

"Huwag mo nang intindihin iyon, hindi ako non gusto pinagtitripan lang ako." Tumango naman ito bago bumalik ang atensiyon sa aklat na hawak niya.

"Okay ganito nalang sa susunod na tuturuan kita hindi na dito. Sa bahay nalang ninyo, ayos ba sayo yun?" Baka ang iniisip niya nasasayang ang binabayad ng mga magulang niya sa akin kung hindi ko ito maturuan ng maayos.


"Okay lang naman ate kahit saan" Nakangiti niyang wika sa akin.

Tinuruan kopa ito hanggang mag 8pm dahil nga madami itong hindi naintindihan sa isang subject niya kaya natagalan.




"Salamat hija mauna nakami." Nakangiting turan naman sa akin ni Mr. Sintas dahil sinundo niya si July sa labas ng mall ng malaman nitong pauwi palang ito.


"Marami din pong salamat" Ngiting balik ko sakanila bago sila umalis


"Let's eat first before you go home." Walang emotion niyang sabi

Akala ko umuwi nato? 8pm na hindi pa rin siya umuuwi?

Nasan ang mga pinsan niya?

"They left me, pagod yung mga yon tara?" Nilahad niya ang kamay niya kaso hindi ko iyon tinggap at nilagpasan lamang siya.


"Iiwan mo rin ba ako?" Ha? 


"Sabi mo kakain tara na. Ano bang pinagsasabi mo diyan!" Ngumiti naman ito na naging dahilan ng pagtitig ko sa mukha niya.

Gwapo siya kapag nakangiti hindi gaya ng panay simangot lang ang alam. Hinawakan niya nag kamay ko kahit inaalis ko.

Bawat nadadaan namin bumubulong na "Ang arte pa ni ate ang gwapo na nga ng boyfriend" Bwisit! Hindi ko ito boyfriend no! 

At kung magkakagusto man ako sa pesteng walang alam dito sa probinsiya, hindi koto papatulan dahil mayaman siya at mahirap lang ako.

Alam ko kung saan ako lulugar at kung ano ang agos ng aking buhay. Ayokong magka kasintahan na mayaman o asawa kung mahirap ako gusto ko munang tumayo sa sarili kong mga paa at maka level ang mga mayayaman kung mayaman man ang itatapan sa akin ng nasa itaas.

"Uuwi na sila Billy bukas pa manila" Simula niya ng maka-upo kami sa isang restaurant.

"Ang bilis naman yata?" Kakarating palang nila kagabe ha? 

Nagkibit balikat lamang ito "May pasok pa ang mga yun sa lunes at linggo na bukas kaya bandang mga hapon bibiyahe na sila."

"Ikaw magbabayad nito ha wala akong pera eh hehe." Pagpapa cute ko sakaniya. 

"Hindi ko hinahayaang mag bayad ang babae kapag nagyaya akong kumain."

"Ang dami mo sigurong na date sa maynila no?" Asar ko sakaniya habang ngumunguya

"Huwag kangang magsalita kung puno ng pagkain ang bibig mo kadiri to." Inis niyang iniabot sa akin ang tissue at nginitian kolang siya sa naging reaksiyon niya.

"Gutom nako eh." Pumiling nalamang ito at kumain nadin kagaya ko.

"Nga pala bakit hindi ka sumali sa laro nila kahapon? Kawawa ang team niyo natalo kayo."


Hindi naman ako nito pinansin hanggang sa matapos kaming kumain at humarap sa akin "Be ready tomorrow you will accompany us."

"Ha saan? Bakit hindi ko alam?" Wala naman itong sinasabi sa akin ah?

"Mag gala tayo bukas bago umuwi ang 7 am mag-isip kana ng mga magagandang lugar susunuduin ka namin bukas and please wear something comfortable."

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? At ayoko!"

Para naman siyang na stress sa sinabi ko "Kabayaran mo yun sa hindi pagsulpot kahapon sa game namin dahil sayo natalo kami and you don't have a right to say no."


"Sinabi ng ayoko eh! Tsaka hindi ko kasalanan kung natalo kayo, kaya huwag  mo nga akong pagbintangan diyan." Singhal ko sakaniya na ikinangiti naman niya.


"Damn. Ang daldal mo, ngayon palang ako nagpilit na sumama ang isang babae sa akin shit! I'm not use to it!" Mura niya na tinakpan ko naman ang bibig niya gamit ang kamay ko.

Napaka perpekto ng kanyang mukha mula sa mga mata na sakto ang hugis at kulay brown kapag nasisinagan ng araw.

Nakita ko iyon kapag tinuturuan ko siya mangabayo dahil maliwanag nakikita kong kabuuan ang kaniyang mukha sa pagkaperpekto.

 Sa ilong na sakto ang tangos sa mga labi niyang kulay pula na kalamo bay nag tint sa pula. 

Bumukas ang mga labi niya at lumunok kaya napasabay ang paglunok ko sa ginawa niya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinalandas ang hintuturo sa mga labi niyang mukhang masarap halikan sa tingin palang.

"You can kiss me if you want. I will allow it chiechiee" Sundot niya sa bewang ko kaya nahampas ko siya sa braso na naging dahilan ng pagkadaing niya.

Hindi naman iyon malakas ha?

"Pinapayagan na nga kitang halikan ako na libre maghahampas kapa asan hustisya? Napaka brutal mo talaga."

Inirapan ko naman ito at iniwan siya para mag abang ng taxi sa labas "Hoy chiechieee sakay na." Nasa harapan ko ang kotse niya at bakit walang kasamang driver to? 

"Kaya kong umuwi mag-isa layas nanga peste!" Tumawa naman ito ng tumawa.

Lumabas ito sa kotse at binuhat ako at ipinasok sa passenger seat at sinuot ang seatbelt. Iba nanaman ang nararamadaman ko sa tyan ko hindi naman ako napapatae.

"Kinakabahan kaba?"

"Hindi- Ah mag drive kana ngalang!" Hindi ka pwedeng ma inlove sa kagaya niya chelsie. 

Kailangan kong pigilan ang kung ano man bago sa nararamdaman kong ito . Hindi to tama, Hindi pwede at ayoko.


The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now