Kabanata 15

1.4K 77 3
                                    

"Stop right there Chelsie!"

Hindi ako huminto hanggang sa maramadaman kong nasa likod kona siya.

"Why did you run?" Tanong nito. Nangilabot ako sa tinig ng kaniyang boses.

"Uuwi na ako. Eh ikaw ba bakit ka umalis doon mag lalaro pa kayo diba?" Iniharap naman niya ako sakaniya at ngumiti ng matamis.



Masaya ba siya kasi sila na ni Isabell? Oh nanalo sila? Pero hindi pa nagsisimula ang laro nila. Wala pa akong naririnig na committee.

"Gil saw you looking at me and Isabell, why did you run?" Talagang kailangan harap-harapang itanong?



Inirapan ko lamang ito at tatalikuran kona sana ulit ng iniharap nanaman niya ako sakaniya.

"Ano ba uuwi nako!" Naiinis kong sabi sakaniya.

"Just answer my question first before you go home." At bakit naman kita susundin?

Sino kaba?

Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit naninikip ang dibdib ko kanina...

Gusto ko sanang sabihin sakaniya yan mabuti nalang hindi ko nasabi. Dahil magmumukha lamang akong kawawa.

"I'm waiting chiechieee"

"Nang-aasar kaba?" Inis kong sabi sakaniya.

"I'm not. So what is your answer? Why did you run?" Isip-isip Chelsie.

Hindi niya pwede malaman na gusto mo ito hanggat maari itago mo...

"Ahmm ano..kasi, oo napapatae ako ok yun." Maniwala ka, Maniwala ka...

"Ahh. Sige kala ko kung ano, sige balik na ako sa loob." Tinanguan ko ito bago siya umalis.

Gusto kasi kita kaso hindi tayo pwede...

Saka malabo...

"Why?" Napatingin naman ako sa taong iyon and it's Gil.

"Kanina kapa ba diyan Gil?" Balisa kong tanong habang nagkakalkal ng kung ano-ano sa bag ko para lang hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa naging biglaang tanong niya.


"You like him but, your hiding your feelings to him."  Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sakaniya at nagkibilit balakit lamang siya.


"Nagkakamali ka ng nakita." Medyo balisa kong sabi sakaniya.


"No. You like him but you're hiding it why? Dahil ba kay Isabell?"

Napayuko nalang ako sa kaniyang sinabi at naglakad papunta sa hintayan ng mga Jeep. Sumunod naman ito sa akin at bumuntong huminga.


"Ang matapang at matalinong Chelsie Balthazar may kahinaan din pala? Nasan na ang Chelsie na kilala ko?" Ngumiti ako ng mapait sakaniya bago binaling ang tingin sa paligid.

"Nagiging iba ako pagdating sakaniya Gil at ayoko yung ganon kasi kung kailan ko siya iniiwasan doon ako mas lalong nahuhulog." Matalino si Gil kaya alam niya kung ano man ang mga sinasabi ko o kung ano man ang gusto kong pahiwatig sa mga salitang binitawan ko.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon