Kabanata 17

1.3K 70 1
                                    

"Pero Third ikaw ang napili ng batch naten." Pakiusap sakaniya ni Isabell.



"Ano bang mahirap intindihin sa sinabi kong ayoko?" Bigla naman napayuko si Isabell sa naging sagot ni peste sakaniya dahil napahiya ito sa loob ng klase.



"Sinabi ko naman sayo Isa, hindi makikinig yan sayo." Nakangising turan naman sakaniya ni Layla


"Huwag ka na mangialam sa diskarte ni Isabell, Layla!" Sigaw naman ni Mia sakaniya at dinaluhan si Isabelle na napapiyak na.

Kinalabit naman ako ni Gil kaya napaharap ako sakaniya "Ano?" Matamlay kong turan dito saka lang siya umiling sa naging emosyon ko.

"Sabi ni Kuya Cleo isasabay nalang kita mamaya dahil si katkat nasa school pa para ikaw nalang maghihintay sakaniya sa bahay nila. Bakit ayaw kana niyang papag commute?" Dakilang tsismosa talaga tong lalaking to.

"Hindi para mabilis kong maturuan si Katkat, alam mo naman yung bata nakikipag laro pa pagtapos kong turuan." Kilala niya si Kuya Cleo dahil malapit lang ito sakanila.

"Nagseselos ka no?" Ako magseselos kanino?

"Wala naman dapat pagselosan."

"Sus kunwari kapa eh kanina kapa tumitingin sakanila eh." Ang dami kasing pumipilit kay peste na tanggapin na ang maging representative sa Mr. Intrams para makapag practice na sila .

"Aminin mo na kasi na gusto mo talaga siya." Ayoko nga! Saka alam naman niya bakit pato nagtatanong?

"Chelsie and Gil kayo ang representative for double badminton at kasali ka rin sa volleyball Chie." Sabay sabi naman ni Arnie

"Okay kailan practice?" Tanong naman ni Gil.

"Next week pa naman kasi medyo busy pa ang iba eh, basta inform ko kayo." Sa badminton palang iyon, yung sa volleyball kaya?

"Hoy kayong dalawa bakit kayo palaging magkasama, kayo naba ha?" Hindi lang namin pinansin si bubay sa naging tanong niya.

"Tara na?" Yaya sa aking ni Gil pagkatapos mag announce ni Arnie para sa iba pang mga sports bago umuwi.



"Where are you going?" Harang sa amin ng peste.


"WOAHH" Sigaw lahat ng mga kaklase namin sa loob ng classroom.

"Wala kang pakialam" Nilagpasan ko siya at sumunod naman ni Gil na pangisi-ngisi pa na patingin-tingin sa likod.

"Hindi kaba nahihirapan sa pag-iwas sakaniya ng ganito?"

Nadinig ko naman na tumunog ang telepono sa message tone kaya binuksan ko ito.


From Peste; Why are you with him again?



Kakabas ko mpalang ng message niya ng may sunod- sunod namang message na pumasok.

From Ate Milan; Are you free next next week? Samahan mo ako.

From bubs; May namamagitan ba sa inyo ni Gil?

From Haliparot dars; Ambisyosang frog pilitin mo si Third bebe kasi wala tayong representative sa Mr. Intrams kung hindi lang siya! At sa game dahil may dadayong ibang school.



The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now