Kabanata 10

1.5K 79 4
                                    

"Fuentez 3 points!" Dinig na dinig kong anunsiyo ng committee sa court. Ngayon ang laban nila?

"Tara na bakla!" Hila naman ni bubay kay Darwin.

"Hindi ka talaga manonood? Baka magsisi kang hindi ka nakapanood?" Paninigurado niyang tanong sa akin.

"Oo sigurado na sige na go. Aalis nako." paalam ko sakanila tsaka na naglakad papunta sa nagtatricycle sa labas ng school.

"Kela Mrs. Barbara ho." Sabi ko pagkasakay ko sa tricycle.

Hindi ko padin ito pinapansin kahit kasama namin siya kanina nila bubay at Darwin sa canteen. Nagtataka sila kung bakit hindi ako maingay.

Kung bakit hindi kami nag-aaway sa harap ng pagkain ng peste na yon. Naniniwala na ako sa sinabi niyang hindi malabong mahulog ako sakaniya dahil nagpapakita ito ng motibo at alam kong sinusubukan lang niya ako kaya siya bigla nagbago

"Nandito na tayo ineng." Binigay ko naman agad ang bayad tsaka na nag doorbell sa labas ng bahay nila.

"Kanina kapa niya hinihintay." Nakangiting turan sa akin ng lola ni katkat na si Mrs. Barbara.

Ngumiti naman ako sakaniya at sumunod papasok sa loob papunta sa kanilang garden.

"Teacher Chelsie!" Nakangiting wika naman sa akin ng studyante ko simula grade 1 ito hanggang ngayong grade 4 siya.

Tinatawag ako nitong Teacher kapag gusto niya pero  madalas kapag nasa labas tinatawag akong mama.

"Oh your teacher is here papasok nako ha." Pinat naman niya ang ulo ni katkat bago tumingin sa akin.

"Ikaw na bahala sakaniya, nandiyan naman si mommy kung may kailangan ka." Tinanguan kolang ito bago umupo sa harapan ni katkat.

"Makinig kang mabuti sa Teacher mo katkat aalis na ako."

"Bye dad!" Hinalikan naman niya sa pisngi ang daddy niya,

Walang asawa si kuya Cleo pagkapangak ng girlfriend niya kinabukasan lang umalis na ito papunta ibang bansa. Iniwan sila nito dahil parehas pa daw silang hindi handa mga bata palang sila noon nasa 17 years old palang si kuya cleo ang girlfriend naman niya ay 15 anyos.

Nakilala ko si Cleo ng mag panahong pinapapunta ako ni nanay dito para paglaba kila Mrs. Barbara at doon narin nila nalaman na matalino ako kaya bata palang si katkat kilalang-kilala na ako nito. 

"Na perfect ko ang assignment ko tingnan mo tingnan mo po!" Excited niyang turan  na pinapakita sa akin ang  notebook niya. Natawa ako maging ang kaniyang lola sa kaniyang inasal.

"Pagpasensiyahan mona hija ng lunes kapa gustong makita niyan hindi sanay na hindi mo siya tinuturuan araw-araw." Kiniliti ko naman ito sa tagiliran tawa siya ng tawa.Mabuti nalang hindi niya hinahanap ang nanay niya kahit napakatalino ng batang to. 

"Magsisimula na tayo para makapaglaro tayo?" ngumiti naman ito ng malawak saka tumango.

"Sige po, teacher." Lumaking magalang si Katkat sa tulong ng kaniyang lolo at lola dahil hindi naman kaya mag-isa ni kuya Cleo na magpalaki ng bata.

Nagsimula naman kami sa math dahil yun ang pinaka madali binigayan ko siya ng sasagutan 4 digits na addition and subtraction na tig sampo bago tinabihan ang lola niya sa kabilang bench.

"Salamat Chie kahit na sobrang busy mona nakukuha mopang turuan ang apo ko."

"Ano poba kayo hindi ko pwedeng pabayaan nalang bigla si katkat at lalo na nasanay itong kasama ako palagi. Nahihiya nga po ako sainyo isang araw konalang siya matuturuan dahil may special student akong walang alam sa lugar naten." Napatawa naman ito sa sinabi ko sakto namang tapos na si Katkat sa kaniyang sinasagutan.

"Kukuha lang ako ng miryenda ha." Paalam ng lola niya kaya tinguan lang ito ni katkat. Chineck ko naman ang mga sagot nito at nararamdaman kong nakatingin ito sa akin.

"Teacher bakit hindi kana araw-araw nagpupunta dito? Nagulat nalang ako sa sinabi ni daddy isang beses kanalang daw pupunta dito"

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang kaniyang tanong "Nagka special student kasi si Teacher kaya nag adjust kayo kahit ayaw ko pero kailangan." Parang nag-isip naman ito at natawa ako sa sinabi niya.

"Sasabihin ko kay dad gawin mo akong special student din para palagi kitang kasama." Naiiling akong binigay naman sa kaniya ang english na story na ginawa ko para talaga sakaniya.

"Basahin mo iyan kapag tapos kana tatanungin kita tungkol diyan." Naglapag naman ng pagkain sa mesa namin si Mrs. Barbara

"Kain muna kayo. Dito kana mag hapunan mamaya chichie"

"Huwag na po Mrs. Barbara uuwi din ho ako agad pagkatapos nito." Napatingin sa amin si katkat at sumimangot. Haistt ang batang talaga nato.

"Okay sige po dito nalang ako maghahapunan."

"Yehey! Bukas kanalang din umuwi Teacher matulog kanalang sa room ko." Pumiling na lamang ako sa kaniyang sinabi maging ang kaniyang lola.

"Alam mo naman na kahit bata kapa parang nanay na ang turi niyan sayo." Napailing nalamang ako
hinahayaan ko lamang ito dahil magaan ang loob ko sa batang to.

Walang namamagitan sa amin ni kuya Cleo iniisip lang namin kung ano ang makakabuti sa bata at pinagsasabihan naman itong huwag na akong tawaging nanay sa labas kasi nagtataka na ang mga tao.

Matapos ko sa pagtuturo sa kaniya ng english tinuloy kopa ito sa ibang subject niya.

"Dinner is ready tuloy niyo nalang sa susunod yan kanina pa kayo nag-aaral." Dumating na pala si kuya Cleo.

Niligpit ko muna ang mga gamit na pinaggamitan namin bago kami nagpunta ni Katkat sa Dining area.

"Kamusta naman apo napagod kaba?" Naawa ako kay katkat pinagsabay-sabay namin sa isang araw ang lahat ng subjects niya.

"Okay naman po lolo"

"Huwag po kayo mag-alala aayusin ko ang schedule ni Katkat. Gagawin kong tatlong araw para hindi gaano mapagod ang utak niya, pasensiya na po talaga." Ngumiti naman ng malawak si Katkat.

"Kung hindi kaya huwag mona pilitin baka sumakit naman ang ulo mo niyan." Pumiling naman ako bilang hindi pag sang-ayon sa sinabi ni kuya Cleo.

"Basta ako ang bahala" Nang matapos naman kaming kumain uuwi na sana ako ng magprisinta si kuya Cleo na ihatid ako. Tatanggi pa sana ako  ng dinala na niya ang bag ko at nilagay sa kotse niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang.

"Hindi kaba napagod?" Napagod? Wala sa akin ang salitang iyon sanay nako sa agos ng buhay. Pinanganak akong mahirap at panay trabaho kaya sanay nako.

"Hindi sanay na ako, kamusta ang trabaho?" 

"Nakakapagod pero kailangan para kay Katkat kakayanin."

The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now