Kabanata 21

1.3K 67 1
                                    


"Bitawan mo nga ako Third nasasaktan ako ano ba?!" Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking kamay ng makita niyang nasasaktan na talaga ako.


"Hindi kasi kita maintindihan, maayos pa naman tayo ng mga nakaraang araw tapos ano yung makikita ko? Kasama mo si Gil at may iba kana naman kasamang lalaki. Ano iyon Chelsie?!" Mabuti nalang konti lang ang tao ngayon sa math garden kung hindi patay. Aakalain pa nilang may relasyon kami kung mag-away.


"Bakit ba? Hindi naman kita pinapakialaman sa mga kinakasama mo dapat ganun ka rin sa akin. Dahil walang tayo, tandaan mo iyan Third at natatandaan mo iyong sinabi mo sa akin na "Don't cross the line chichiee hanggang tutor lang kita" sana maalala mo iyon" Nakita ko naman itong napasabunot sa sarili niyang buhok na para bang naiinis sa kaniyang sarili.


"Ayos ka lang?" At dahil dakilang marupok is active again.  Ayun  nilapitan ko para tingnan kung anong masakit sa ulo niya ng hawakan niya ang dalawa kong balikat.


"Let's forget about our deal?" Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ang malumanay ng boses niya...Tila ba hindi na siya iyong Third na, kilala ko. 


Hinaplos niya ang mukha ko at niyakap ako "Ayokong may kasama kang iba bukod sa akin...Naiinis ako kapag nasa iba ang atensiyon mo at wala sa akin. I miss the old chiechie I know. Ako lang ang pinapansin mo noon pero bakit bigla kanalang nagbago ?"


Hinawakan ko ito sa mukha at pinakatitigan muli iyon "Lahat ng tao nagbabago lalo na kung masakit na dito, Third" Turo ko sa aking dibdib. 


"Tinawag mo akong Third. I'm happy Chelsie damp! hmm" Sabay yakap muli sa akin. Natulala lamang ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. 


Scripted ba ito? 


Panaginip ba ito? Kung oo ayoko munang magising dahil gusto ko munang sulitin ang oras na ganito kami kalapit sa isa't isa.


"Uwi na tayo?" Napamulat ako ng aking mga mata at gulat na napatingin sa kaniya.


"Hindi ito panaginip? Nandito talaga ako?" Natawa naman siya sa reaksiyon ko at pinitik ang aking noo.


"Hindi ito panaginip gusto mo halikan kita?" Huh?


 Hindi?


"Third? Tawag ka sa faculty may ibibigay daw ata sayo si Mr. Lim" Biglang sulpot ni Isabell sa harapan namin.


"Hintayin mo ako dito ha?" Tumango naman ako sakaniya at nginitian siya na okay lang.


"Samahan na kita Third, may naiwan din ako." Bagay alaga sila kahit nakatalikod.


"Bagay na bagay no? Hindi sa kagaya mong basura." Muntik nakong atakihin sa puso sa sinabing iyon ni Nathalie.


"Hindi ba sinabi na naming iwasan mo si Third? Paano makakabwelo na umamin si Isabell kung palagi kang nandiyan sa tabi niya?" Sabi naman na nakapaweng na si Mia.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon