Kabanata 25

1.3K 71 4
                                    


"Go Go Go!!!" Sigaw lahat halos ng mga nanunuod sakaniya.

Hindi niya alam na manunuod ako ngayon dahil gusto ko siyang sorpresahin kahit sa ganitong bagay lang.


"Gaga naglalaro na, ano na balak?" Sinikuan ako ni bubay habang patingin-tingin sa mga naglalaro.


"Hinahanap mo si Dars?" Tanong ko dito ng mahalata ko itong may hinahanap sa mga nakaupo sa court.


"Oo tinakasan nanaman ako ng haliparot nayon" Napatawa nalang ako sa biglang pagsimangot niya.


"Hallaaa bakit naman lumabas si papa Third?" Sigaw ng isang first year kung todo maka cheer sakaniya. Sumigaw halos lahat ng manunood ng maglakad ito papunta sa akin habang pinupunasan ang kaniyang pawis sa mukha at leeg.


"Papunta na ang iyong prinsipe" Hagikgik oa sahi ni bubay sa akin.


"What are you doing here?" Hanggang ngayon may mga nagsisigawan padin dahil sa pagpunta nito sa pwesto ko. Nagkibit balikat lamang ako sakaniya "I don't want to play again. Im staying here until the game is over" Bakit napaka sweet nitong peste nato?

Nakita kong tinatawag na siya ng couch nila dahil magsisimula na ulit pagkatapos ng time out. Kunurot ko ito sa tagiliran at pinandalitan siya ng mata "Tinatawag kana ng couch mo, alis na" Taboy ko sakaniya.


"Hindi maglalaro boyfriend mo Chelsie?" Nakalapit na pala sa amin si Jae ng hindi manlang namin namamalayan.


"Sabi kona sayo eh mapapanood mo ako at nangako kang ipagtsicheer mo ako. Inaasahan ko iyan!" Tumakbo na siya papunta sa mga ka team mates niya ng maramdaman kong ang sama ng titig sa akin ni Third.


"Ipagtsicheer pala ha? Pero ako ni minsan hindi mo pinagcheer tapos iyon ichecheer mo? Iyong totoo kaya ka nagpunta dito para panoorin siya no?!" Sigaw niya sa akin sabay tayo at balik sa team mates niya.


Hindi man lang niya ako hinayaan mag explain... Badtrip siya hanggang sa masikuan siya ng isa sa ka team ni Jae. Doon na ako napatayo, may dugo sa tuhod niya. Nahuli ko itong nakatingin sa hindi padin pagbabago ng expression.


"Pagcheer mona kasi ngayon lang naman. Nagseselos iyan hindi mo napapansin?" Nagdadalawang isip pa ako sa ideya ni bubay. Kaso baka kasalanan kopa kung bakit sila matalo nito!

Shit bahala na!


"Peste!" Tawag atensiyon ko sakaniya habang nakatingin diretso sa kaniyang mga mata

"Kapag natalo ka hindi kita sasagutin makita mo!" ngumiti naman siya saka tumango habang hawak-hawak ang bola.


The Probinsiyana  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon