Kabanata 35

1.3K 71 1
                                    

"Chels" Agaw pansin na sabi ni Gil sa akin kaya napatingin ako sakaniya maging kay Ate Hannah at sa hindi ko kilalang may edad na.


"Anong ginagawa mo dito?" Nilapitan ako ng babae at bigla nalang ako niyakap na kinagulat ko.


"An-ak Zayrille anak bumalik kana sa amin" Hindi ko lubos matanggap ang pagtawag niya sa akin na anak hindi ko siya kilala.


"Hindi po ako si Zayrille ma'am, Chelsie po ang pangalan ko. Gil, ate sino sila?" Nakita kong nasaktan ang babae at lalaki sa aking sinabi.


"Our parents Chels" Gulat akong napatingin sa sinabing iyon ni Gil at tumingin kay Candle na tumango.


"You and Gil are twins" Dugtong na sabi pa ni ate Hannah na nakapag pasakit sa ulo ko.


Umiling ako saka bumaling kela nanay at tatay na lumapit sa akin "Bakit ngayon niyo lang siya hinanap?"


"Akala namin patay na siya dahil may nagpadala sa amin ng kaniyang huling damit na suot ng nasa mall kami at puno iyon ng dugo" Sambit naman ng lalaki.


"Na coma ako for 5 years sa akisidente na natamo namin sa paghahanap sakaniya." Sabi naman ng nagpakilalang ina ko.


"Kasalanan namin alam namin iyon dahil napabayaan namin siya pero nagsisi din kami dahil sa mga nangyari. Marami akong kaagaw sa negosyo kaya gayon nalamang nila ako kagustong patayin at dinamamay pa ang pamilya ko." Sabi naman ng lalaki na tingin ko na nagsasabi siya ang ama ko.


"Kaya ko nang mabuhay na wala kayo and really Gil? Nakipag kaibigan kalang sa akin para mas lalo tayo magkasundo? Sorry ka kahit kambal pa kita hinding-hindi ko kayo natatanggap. Nabuhay ako ng 12 taon dito at wala ako balak umalis kaya makakaalis nakayo." Tinalikuran kona sila saka ako pumasok sa sarili kong kwarto at doon binuhos ang luhang kanina kopa ayaw ilabas ang sakit ng aking nararamdaman.



"Alam kong mahirap silang tanggapin anak pero hayaan mo silang magpaliwanag ng mga nangyari sa kanila kung bakit nagkaganon" Nakapasok na pala si nanay sa aking kuwarto na hindi ko man napapansin.

"Nay hindi naman iyon kadali, nawalay ako sakanila at hindi ako nababagay na maging pamilya nila kaya hindi ko kayo iiwan. Hindi ako aalis sa puder niyo, mahal na mahal ko kayo nay." Sabay yakap ko ng mahigpit dito saka hinalikan sa pisngi na ikanatawa niya.

The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now