Probinisiyana 3

7.5K 405 30
                                    

Tania

Mabilis kong pinapaikot sa aking kamay ang aking lapis.

Simula paggising ko ay patuloy kong inaalala ang naganap sa akin kahapon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang napagkamalan ko si Callias bilang si Caleb, na siyang nakatagpo ko noon. Nais ko mang malaman ang tungkol sa kanilang dalawa, wala na akong iba pang malalapitan na kilala sila.

Nang magsialisan ang grupo ni Stephani kahapon ay naiwan kaming dalawa ni Caleb na nagtititigan sa isa't isa. Mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang iba't ibang klase ng gamot na alanganin kong tinanggap. Ipinaliwanag niya rin ang dosage ng pag-inom ko sa mga ito na akin namang sinunod.

Mabuti na lang at wala akong nabaling buto, at dahil sa gamot ay gumising akong katamtaman na lang ang sakit ng aking likuran.

"Tulala lang ang drama?" sumbat ni Mira sa akin ng mapansing akong nakatunganga.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Hindi ko na rin sinubukang sabihin pa sa kanya ang naganap kahapon.

"Nag-iisip lang ako," sagot ko sa aking kaharap na walang humpay na kumakain.

"Like what?" usisa niya. She's always curious.

Huminga ako ng malalim at tinanong siya.

"May kilala ka bang Stephani na nag-aaral dito sa university?"

Biglang siyang nabulunan kaya inabotan ko ng tubig. Umubo siya ng ilang beses at eksaheradang dinukot ang kanyang cellphone na bigay ni Ma'am Andy sa amin.

"You mean, Stephani Wung?" bulong niya at ipinakita sa akin ang isang litrato na agad kong nakilala kaya napatango ako sa kanya.

"Siya lang naman ang nag-iisang anak na babae ng isang napakatanyag na businessman na si Conrad Wung. Kilala siya rito bilang isang certified bratnilla, lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. May koneksiyon din ang kanyang pamilya sa university directors. Kasalukuyan siyang 2nd year college sa kursong BS Nursing. Ilang beses na siyang nagwagi sa iba't ibang pageants. In short, she is the queen of CEU," mahabang pahayag ni Mira.

Samantalang ako ay napatulala at pilit na iwinawaksi ang impormasyong kanyang sinabi ngunit madali itong tumatak sa aking isipan. Napatampal ako sa aking noo ng maalala ko ang tagpo namin kahapon.

"CALLING THE ATTENTION OF MS. TANIA VALDYZ OF GA SECTION 1, PLEASE PROCEED TO THE GUIDANCE COUNSELOR'S OFFICE." Ilang beses ko pa itong narinig mula sa speaker na nakakabit sa paligid.

Para akong binuhasan ng malamig na tubig. This is not happening.

"Ikaw ba ang tinutukoy?" tanong ni Mira kaya marahan akong napatango.

"Sa anong kadahilanan? May ginawa ka bang kalokohan? Umamin ka Tania!" eksaherada niyang sambit at halatang kinakabahan din para sa akin.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinalakas ang aking loob bago tuluyang tumayo. Ang ilang estudyante ay napatingin sa aking gawi. Ang iba sa kanila ay nagbulongan at pasekretong nagtawanan.

"Tania, sasama ako sa'yo papuntang guidance." Tumayo rin si Mira ngunit pinigilan ko siya.

"Ayos lang ako, Mira. Hindi mo na kailangang madamay pa."

Bago pa siya magpumilit ay mabilis kong nilisan ang cafeteria at tinahak ang daan papunta sa guidance office.

Sa lahat ng silid na mayroon ang unibersidad, isa ang guidance office sa mga sigurado akong hindi ko mapupuntahan. Simula elementarya ay hindi ako kailanman pinatawag ng guidance counselor sapagkat maayos akong makitungo sa kapwa.

Ngunit ngayon, sa pangalawang araw ko sa CEU, lutang kong tinatahak ang daan papunta sa opisina ng guidance counselor.

This is my fault, I admit.

Meant To BeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora