Probinsiyana 13

6.1K 360 26
                                    

Tania

Nagising ako dahil sa uhaw.

Napadaing ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking katawan. Nasa isang madilim na silid ako. Nakagapos ang aking kamay at paa sa upoang aking inuupoan.

Anong ginagawa ko rito? Paano ako napunta sa lugar na ito?

Unti-unti ay muli kong inalala ang naganap sa akin.

Si Tristan!

Nasaan sa Tristan? Patay na ba siya? Papunta na sana kami sa Acquaintance Ball nang may humarang at humabol sa amin na nga armadong lalake. Nakita kong pinatay nila si Tristan!

Nanginig ako sa takot. Walang humpay na rin ang pagragasa ng aking luha. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagpunta ko sa Centrus, sana ay nakinig na lang ako kay Lola Celsa.

Napadaing ako nang biglang nagliwanag ang buong silid. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na mga ilaw.

Ngunit agad din akong napamulat ng bumukas ang pinto sa aking harapan.

Isang hindi pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin. Napangisi siya ng malaman niyang gising na ako. Kinalikut niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

Sino siya? Anong gagawin niya sa akin?

"Fetch Mr. Wung, inform him that she's awake already," natatawang kausap niya sa kabilang linya.

Mr. Wung? Siya ba ang may pakana nito? Hindi pa rin ba siya nakaka-get over sa nangyari?

"Mr. Wung will be here any moment soon."

"A-anong kailangan niyo sa akin? P-akawalan niyo ako r-ito!!!" nauutal kong singhal sa kanya dahil wala na akong lakas sa aking katawan.

"Well, wala naman. Ngunit sa kasintahan mo, meron. You know Caleb Cole, right? He's now the leader of their mafia, and I'm about to bring them down my own."

Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang kanyang sinasabi. Si Caleb? Leader ng mafia? Hindi ito maaari. He's still young. And he's a good person. I'm a witness.

"And surprisingly enough, Mr. Wung has a business with you too. Hindi ko alam kung bakit interesado siya sa'yo. But her daughter just died in a shooting indecent last night, so I assume na nay kinalaman ito sa pangyayari."

Napasinghap ako sa kanyang sinabi. His daughter died? Si Stephani Wung? Anong nangyari sa kanya?

Naputol lang ang aming pag-uusap ng sunod-sunod na putukan ang aming narinig. Halos magmakaawa na rin ako sa kaharap ko ngunit hindi niya ako pinansin at naging alerto.

"Boss Douglas, may lumulusob sa ating kuta," pag-iimporma ng isang armadong lalaki na biglang sumulpot sa silid.

Napamura naman ang kaharap ko na nagngangalang Douglas. Agad siyang napatingin sa akin ng mariin kaya kinabahan ako.

"Untie her. Make sure that she can't get away from us," utos ni Douglas sa tauhan niya na agad naman nitong sinunod.

Napadaing ako dahil sa rahas ng kanyang pagtanggal ng tali. Alam kong may sugat na ngayon ang pinagtalian sa akin. Halos mapaluhod din ako agad ng makatayo na dahil namamanhid ang aking mga tuhod. Nanginginig din ako sa kaba.

Ano ba ang kasalanan ko at bakit ganito na lang ako parusahan ng tadhana? Gusto ko lang naman makapag-aral ng maayos! Bakit sunod-sunod na nangyayari ang mga bagay na tulad nito!?

Pagod na pagod na ako. Pagod na ako sa pagpapamukha sa akin ng tadhana na hindi para sa akin ang Centrus.

Ngunit pinilit kong tumayo parin kahit papano dahil kinaladkad ako ng tauhan ni Douglas.

Meant To BeWhere stories live. Discover now