Probinsiyana 24

4.2K 326 51
                                    

Tania

Napasinghap ako dahil sa lubhang pagkagulat.

Ang tinaguriang walang pusong hari ng Vampyria ay nasa harapan ko ngayon, lumuluhod.

Sa isang hindi inaasahang kaganapan, biglang lumuhod si Haring Caldrix na tila ba hindi na niya kaya ang nangyayari ngayon.

"Haring Caldrix! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tumayo ka riyan at baka may makakita pa sa'yo," mariin kong suway sa kanya ngunit napailing lang siya.

"No! My wife doesn't like the idea of me doing something reckless and cruel. But... I fucking miss my children already. There's no single second that passes by that I don't think of them. So, this is the best thing I can do. I'm... begging you...please save my children."

Napapikit ako dahil ramdam na ramdam ko ang kanyang pagdadalamhati.

"Caldrix, I'm doing my best. We are doing our best."

"But what if our best combined isn't enough to save them?"

Napabuntong-hininga ako. Mabuti na rin lang at tumayo na siya at marahang napaupo. Ngunit halata ko pa rin ang pagkawala ng kanyang pag-asa.

Sino ba namang hindi?

It's already the sixth day. Only two days left until the judgment of Katus. Wala pa kaming balita sa kanya dahil hindi pa siya nagpapakita.

Noong sinubukan ko namang kausapin si Avera ay hindi ako nagtagumpay. I had talked to her already several times before, that's why it's a puzzle to me why I seemed to lose communication with her now when I need her most.

Did my oracle abandon me as well?

"Be honest with me. May balak ka bang isuko ang Oracle's Craft?" diretsahang tanong niya sa akin.

Isang tanong na ilang ulit ko na ring tinanong sa aking sarili.

Minsan nga, naisip ko na lang na tuluyan nang mawala nang sa ganon ay matapos na ang aking paghihirap. Nang hindi ko na problemahin pa ang problemang ito.

Ngunit hindi kaya ng aking konsensiya.

"Let's just hope that I will do the right thing when the time comes. Dahil sa totoo lang, wala na tayong magagawa pa kundi maghintay sa ikawalong araw na itinalaga ni Katus." Pahayag ko sa kanya.

And that's a fact. No matter how we find the best solution, there isn't. Katus' Curse of Eight has no loophole.

"And sometimes, the right thing is actually the most painful." Napatango ako sa kanya.

"That's why doing the right thing is very difficult."

"What do you think will happen?" makahulugan niyang tanong.

"I...we... don't know."

I stared at the setting sun. Patapos na ulit ang araw at wala na naman akong nagawa. Bukas ay ang ikapitong araw na, at sa makalawa ay ang araw na itinalaga ni Katus.

Curse of Eight. Eight people will die within eight days.

Ngunit ngayon ay hanggang panlima pa lang ang biktima na lubha ko namang pinagtaka. Sinu-sino pa ang tatlong mabibiktima? At isang katanungan pa rin ang bumabagabag sa akin, sino ang nauna?

Napasinghap ako nang may bisig na biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Caleb," I whisper his name, and face him.

Lagpas isang linggo na rin na hindi ko siya nakikita. At sa lahat ng nangyayari ngayon, seeing him makes me feel at ease.

Tulad ng dati, malakas pa rin ang epekto niya sa akin.

Meant To BeWhere stories live. Discover now