Final Probinsiyana

7.4K 417 103
                                    

Tania

(Several Months Later)

Hindi ko inaasahang aabutin pala ako ng hapon sa aking ginagawa. Pinahid ko na ang pawis na namuo sa aking noo at niligpit na ang aking mga gamit.

Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay bumalik na ako sa bahay dala ang isang basket ng mansanas. Namitas kasi ako ng mga mansanas sa aming bakuran.

Sinalubong ako ng katahimikan sa pagpasok ko sa bahay. Ito ang bago naming tahanan na nakatayo sa isang probinsiya ng Marviles.

Pinanindigan ko na talaga ang pagiging probinsiyana.

Napangiti ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Hinalikan niya ako sa aking pisngi.

"Caleb, ano ba? Ang dami ko pang pawis!" natatawa kong reklamo.

"Nah! You're perfect," komento niya at agad na kumuha ng mansanas sa basket at kinain ito nang hindi manlang hinuhugasan.

Matapos ang ilang buwang paghingi ng pahintulot ni Caleb sa aking ama, nakapagbukod na rin kami sa sarili naming tahanan. In fact, we've been living together for almost five months now.

"If I'm not mistaken, we're expecting visitors, right?" nakangisi kong pagpapaalala sa kanya kaya agad siyang napasimangot.

"Hell yeah. Bakit ba sunod-sunod ang mga buysita natin ngayon?" reklamo niya na ikinatawa ko.

"Yeah right. So, I'll just fix myself up." Hinalikan niya lang ako sa labi at tuluyan na akong pumanhik sa itaas upang mag-ayos.

Dalawang araw kasing namalagi rito sina Mira at Niki. Dumalaw din sina Callias, Skelly, Flin, at Tristan. At kakaalis pa lang nila kanina ay may inaasahan na naman kaming mga panauhin.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya sina Mira at Niki sa totoo naming pagkatao, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming pagkakaibigan. I love them both.

Dahil isang Coal si Caleb ay napagdesiyunan naming dito kami manirahan sa lugar ng mga mortal. At ako ang pumili kung saan. Napili kong tumira sa isang tagong probinsiya.

Caleb stepped down from his position as a Vampire Boss of Mafia Coal. At present, his twin Callias is the one in charge of their mafia.

While me, I let my father lead the Kingdom of Covenia. He's the current Highmaster there.

Actually, it was Lola Celsa whom I chose first, but she asked permission to be gone for good. Susubukan niyang buoin ulit ang Healias Village sa pamamagitan ng paghahanap ng mga natitira pang mamamayan nito. She believes that she's not the only living citizen of Healias.

Nang matalo namin si Katus Constantine ay bumalik sa dati ang lahat. Bumalik na rin sa trono si Haring Axel habang namuhay naman ng payapa si Caldrix kasama ang pamilya niya.

Sa pagbabakasakaling muling mamiminsala ang kasamaan, napagdesisyunan naming bumuo ng isang grupo na nakaatas na labanan ito.

The Pillars of Light. It's a group composed of twelve selected powerful and notable figures of Gabiarmun.

The whole Gabiarmun acknowledges our group as the highest acting body of the land. We are superior in terms of jurisdiction and sovereignty of Gabiarmun. Even the existing kingdoms and ruling parties are under our supervision. The group is into the total peace and order of Gabiarmun as a whole.

Maganda naman ang naging epekto sa mga unang buwan ng pagkakabuo ng grupo. Mas naging maayos ang pamamahala sa bawat teritoryo dahil alam na nilang maaari silang mapuna ng Pillars. The group also opens doors for equality and better justice system. May mga kasapi kasi kami na nagrerepresinta sa mga lesser creatures.

Meant To BeWhere stories live. Discover now