Probinsiyana 19

5.5K 348 50
                                    

Tania

"Si Katus Constantine ay ang nag-iisang tinaguriang X-class mage matapos niyang malagpasan pa ang antas ng pagiging S-class. Isa siyang henyo pagdating sa paggamit ng iba't ibang salamangka. Kung pagbabasihan ang uri ng salamangka na kaya niyang gawin ay masasabi kong kaya niyang patumbahin ang isang hukbo ng mga sorcerers."

Napakagat-labi ako sa impormasyong isiniwalat sa akin ni Lola Celsa. Hindi ko inakalang ganoon pala kalakas ang nakaharap namin kanina.

"Bakit kilala mo siya?"

"Sa tanda kong ito ay naabutan ko pa ang kapanahonan niya. Maging ang mga matatandang bampira tulad ni Aldrus ay kilala siya. At kung iisipin, siya ang huling nakalaban ng iyong ama, Tania."

Bigla akong napasinghap sa pagbigkas niya ng tungkol sa aking ama. Wala akong maraming alam tungkol sa kanya. Ang mga detalyeng alam ko lang ay ang pagkakaugnay niya sa aking ina.

"You mean, siya ang pumatay sa aking ama?" Kahit pilit kong itago ang aking kalungkutan ay nahalata ito ni Lola Celsa kaya napabuntong-hininga siya.

"Ang ama mo ay isang Highmaster sorcerer, ang pinakamataas na antas ng sorcerer. Saksi ako sa walang kapantay na kapangyarihan ni Tanixus, kaya hindi ko masasabing napatay na siya ni Katus. Natalo lang siya, at mula noon ay bigla na siyang nawala na parang bola. Pilit namin siyang hinanap ngunit wala na kaming nahagilap na kanyang bakas. Ngunit sa kaibuturan ng aking puso, alam kong buhay pa rin siya."

"Kung buhay pa siya ay nasaan siya? Ilang taon na ang lumipas ngunit bakit hindi man lang siya nagpakita."

"Huli naming pagkikita ay noong ibinilin ka niya sa akin bago niya tuluyang harapin si Katus. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang hindi tayo matunton ng kalaban at pinadala tayo sa mortal na mundo. Halos dalawampung taon na rin pala ang nakalipas. Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huli naming pagkikita. Iyon na rin ang pagkawasak ng White Coven na tahimik niyang binuo. Mula noon ay nagkawatak-watak na kami. Hindi ko rin inakalang sumunod pala si Andalia sa atin."

"Ano kaya sa tingin mo ang nangyari sa aking ama? Diba sabi mo baka hindi pa siya patay?" biglaan kong tanong. Nakaramdam kasi ako ng pangungulila sa kanya.

Lumaki na akong walang mga magulang. Kahit hindi naman nagkulang sa akin si Lola Celsa ay hindi ko pa rin maiwasang hanapin ang aruga ng tunay na magulang.

"Si Katus ay isang Cursecaster. Iyan ang bansag sa kanya dahil specialization niya ang pagbuo ng sumpa. Kaya ang aking hinuha ay sinumpa niya ang iyong ama. At lumakas ang aking kutob na tama ako nang hindi rin nagparamdam si Katus nang matagal na panahon. May kapalit kasi tuwing magbibitiw siya ng sumpa, at ang katawan niya ang naapektuhan nito. At sa lakas ng iyong ama, hindi basta-bastang makakabawi siya agad matapos niya itong maisumpa."

"Kailangan kong maka-usap si Katus."

"Huminahon ka, Tania. Huwag kang padalos-dalos. Hindi ka pa handa na harapin siya. Ikaw ang pakay nila kaya huwag mong ibigay ang sarili mo ng ganon lamang. Alalahanin mong ikaw ang Metier ni Avera."

Napakagat-labi ako at marahang napatango. Tama si Lola Celsa, kahit gaano man ako nangungulila, ay hindi dapat ito maging rason sa padalos-dalos kong hakbang.

"Matulog ka na. Malalim na ang gabi."

Hindi rin nagtagal ay umalis na siya sa aking pribadong silid. Napabuntong-hininga na lang ako. Magsisimula na sana akong mag-meditate nang makarinig ako ng kaluskus sa may bintana.

Ano naman kaya iyon? Nilapitan ko ito. Kampante ako na hindi ito si Katus dahil muli akong gumawa ng pananggalang para sa mga salamangkero ng Death Force. Yan ang tawag ni Lola Celsa sa hukbo ni Katus.

Meant To BeWhere stories live. Discover now