Probinsiyana 6

7.3K 462 55
                                    

Tania

Dahil masyado ng alanganin kung papasok pa ako, naisipan ko na lang na umuwi. Naglakad lang ako tulad ng aking nakasanayan at malayang tinatanaw ang paligid.

Ang CEU ay malapit lang sa Central Homes na aking tinutuluyan.

Nang marating ko ang isang parke ay napagpasyahan kong manatili muna dito ng ilang sandali. Marahan akong umupo sa isang mahabang bench at walang humpay na tinignan ang mga batang naglalaro sa paligid.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagseselos sa tuwing dadaluhan sila ng kanikanilang magulang. Lumaki akong hindi manlang nasilayan ang aking mga magulang. Tanging si Lola Celsa na ang nag-alaga sa akin simula't sapul. Wala rin akong kapatid na makakasama.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung ano kaya ang takbo ng aking buhay kung sakaling buhay pa ang aking mga magulang. Alam kong hindi nagkulang si lola, ngunit aminado akong may puwang ang aking puso na tanging pagmamahal lang na galing sa aking tunay na magulang ang makapupuno.

Kaya simula pa man noon, hanggad ko na ang makabuo ng isang kompleto at masaganang pamilya. Hindi ko hahayaang lalaki ang aking mga anak na wala kami sa tabi nila bilang gabay.

Ngunit lahat ng ito ay nagulo ng bigkasin ni Lola Celsa ang mga bagay tungkol sa totoo kong pagkatao. Hindi ko na alam kung ano ang aking uunahin, ngunit alam ko kung ano ang gusto ko. Gusto kong lumayo. Gusto kong mamuhay ng normal. Gusto kong dumaloy ang aking tadhana ayon sa nais ko.

Napaigtad ako ng marinig kong tumunog ang cellphone na iniwan sa akin ni Ma'am Andy. At ngayon ko pa lang napagtantung tumulo na pala ang aking mga luha dulot ng pakikipag-usap ko sa alapaap.

"Hello? Caleb? Ikaw ba iyan?" agad kong wika ng ilang segundo ay wala pa rin akong naririnig na nagsalita mula sa kabilang linya.

"Where are you?" hindi ko inaasahang tanong niya.

Inilibot ko ang aking paningin at maiging binasa ang nakasulat sa bungad ng parke.

"Nasa Armstrong Park ako, ang nag-iisang parkeng madadaanan mo papuntang Central Hom - - -" Nabigla ako nang agad niyang pinatay ang tawag.

Baliw ba siya? Magtatanong siya kung nasaan ako ngunit pagkatapos ay puputulin niya bigla ang tawag.

Napalingon ako sa aking kaliwa ng maramdaman kong may umupo sa aking tabi. Napasinghap pa ako ng makita ko ang normal na mukha ni Caleb, istrikto at misteryoso.

Paanong nandito siya agad? Don't tell me, hindi rin siya pumasok tulad ko?

Agad akong tumayo at pumuwesto sa harap niya. Marahan akong napayuko sa kanya habang naguguluhan siyang nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo?" asik niya ngunit hindi ko na lang pinansin.

"Caleb, utang ko sa'yo ang kinabukasan ko. Dahil kung hindi mo ibinigay ang video kay Ma'am Andy ay hindi na ako makakapag-aral pa sa CEU. Maraming salamat at pinapangako kong kung matagumpay na ako sa aking mga pangarap, susuklian kita sa abot ng aking makakaya," puno ng sensiridad na aking wika. Kailanman ay hindi ko malilimutang ilang beses na niya akong tinulungan.

He was always there everytime I lose hope.

Napasinghap ako ng malakas niya akong hilahin pabalik sa bench.

"Idiot," patukoy niya sa akin, kaya pinilit kong huminahon at pataasin ang aking pasensiya.

Tandaan mo Tania, utang mo ang iyong kinabukasan sa walang mudo at supladong lalaking iyan.

"I'm glad that you can still continue your study," bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatitig lang siya sa kanyang harapan. Ngayon ko rin lang napansin ang uniporme niyang pang-med student. Hindi ko inaasahang babagay sa kanya ang puting uniporme. Kahit mayroon siyang tattoo ay napakalinis niya pa ring tignan. Isama mo pa ang kanyang angking kaguwapuhan at katangkaran, papasa na siya bilang isang perpektong modelo.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon