Probinsiyana 18

5.4K 345 35
                                    

Tania

"He's alone?" taka kong tanong sa aking follower.

Inimporma niya akong may dumating na naman mula sa Vampyria. Hindi pa sila natuto kahapon, at kung nahihibang nga naman, ay nag-iisa lang ang pinapunta nila ngayon.

"Ngunit Highmistress, siya po ang dating hari ng Vampyria. Ayon sa mga balita ay walang kapantay ang kanyang lakas at kapangyarihan."

Napangisi ako at biglang nakaramdam ng excitement. Mabilis kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng isang bampirang matikas na nakatayo sa labas. Walang emosyon ang kanyang mukha.

"And you are?"

"None of your business. I just came here to break your barrier," sagot niya sa tanong ko kaya napatawa ako ng mahina.

"Sigurado ka? Nang nag-iisa ka lang?"

Inirapan niya lang ako at umatras siya. Nagpakawala siya ng bumubulosok na apoy na pinatama sa entrance ng kastilyo. Aaminin kong nakakamangha ang kapangyarihan niya. Maihahalintulad ito sa kapangyarihan ng isang mataas na antas na flame sorcerer.

Ngunit kahit anong pagsusumikap niya ay hindi manlang natablan ang aking invisible shield.

"Highmistress, mag-ingat ka sa kanya. Hindi siya ordinaryong bampira."

Tinaasan ko ng kilay si Andalia nang sumulpot ito. Gumising na si Lola Celsa at ngayon ay tahimik itong nagpapahinga sa kanyang silid.

"Listen everyone, the shield of this castle is made from an ancient magic, so your worrying is not necessary. Go back to what you're doing," utos ko sa aking mga tagasunod na nagkukumpolan na ngayon. Kahit nagdadalawang-isip ay sinunod pa rin nila ako.

Muli kong nilingon ang hangal na bampira ngunit bahagya akong napaatras ng makita ang kakaiba niya na ngayong anyo.

Nakalutang siya sa ere habang pumapagaspas ang kanyang gintong pakpak. Kapansin-pansin rin ang gintong hugis diamond sa kanyang noo. Sa likuran niya ay nakalutang ang napakaraming gintong armas.

Anong klase siyang bampira?

Sinubukan kong alamin ang ugat ng kanyang kapangyarihan ngunit hindi ko ito mawari. Nararamdaman ko rin ang rumaragasang kapangyarihan mula sa kanya.

"This is tiring me. I want to see my wife and children already," pahayag niya at ikinompas ang kanyang kamay.

Sabay-sabay na nagsiliparan ang iba't ibang armas patungo sa entrance ng kastilyo. Napaatras ako ng maramdaman kong lumikha ito ng gitak sa aking shield.

Paanong nangyari ito? Stop this nonsense!

Hindi na ako nagpakampante pa at ginamit na ang aking kapangyarihan. Pinalakas ko ang aking pananggala at sinubukang salubungin ang kanyang mga atake.

How can a mere vampire level my ancient magic?

Agad natigil ang aming pagtatagisan nang isang babae ang biglang lumitaw. Base sa kanyang aura ay isa siyang bampira.

Hinihingal ko siyang sinulyapan. Hindi ko inakalang ganito kalakas ang bampirang makakaharap ko ngayon. Mabuti na lang at tumigil na siya sa pag-atake at dinaluhan ang bagong dating.

"I'm the queen of Vampyria, Cleo. I heard you're a Witchter," pahayag niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"And so?"

"How are you related to the oracle Avera Witchter?"

Naging seryoso ako dahil sa pangalang binitawan niya. Si Avera ang pinakadakilang oracle na nabuhay sa buong kasaysayan. Ginampanan niya lahat ng kanyang tungkulin. Natural ding makapangyarihan ang isang oracle dahil sila ang tulay ng diyosa dito sa aming mundo. Ngunit bihira lang ang pag-usbong ng oracle. At sa katunayan nga ay wala pang sumunod na oracle sa kanya.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon