Probinsiyana 17

5.8K 373 25
                                    

Tania

Itiniklop ko ang aking binabasang aklat. Lumabas ako sa silid at tinanaw ang malawak na bakuran mula sa pasilyo ng kastilyong ito.

Tatlong araw na simula nang mamalagi ako rito. Wala akong ibang ginawa kundi ang pag-aralan ang mga bagay na hindi ko pa alam. Tulad nh iba't ibang pinagbabawal na salamangka at kakaibang mahika. Gusto kong mas lalong gumaling, dahil isang kaharian ang dapat kong buoin.

"Highmistress Tania, may panauhin po kayo," pag-iimporma sa akin ng isang miyembro ng White Coven.

Maliban sa muling pagbuhay sa kahariang ito, hudyat din ito sa mga natitirang tagasunod ng White Coven na pinamunuan noon ng aking ama. Nang matanggap nila ang hudyat, ay agad silang tumungo rito at nangakong pagsisilbihan ako. Lahat ng bilang nila ay dalawampu't-isa pa lang. Ngunit alam kong paglipas pa ng ilang araw ay unti-unting babalik dito ang iba pang kalahi ko dahil ito ang tahanan namin.

Ito ang Kaharian ng Covenia.

Tinanguan ko lang ang aking follower at agad na tinahak ang daan patungo sa unang palapag ng kastilyo.

Napatigil ako nang isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. But however high my emotions can get, I must always maintain a firm facade. Hindi dapat ako magpakita ng katiting ng emosyon.

Hindi na ako ang dating Tania na walang kayang gawin kundi ang magmakaawa. No. I am more than that. I come from a noble family of sorcerers. And my bloodline roots belong to the most divine hierarchy of all races.

"What are you doing here?" direkta kong tanong sa aking panauhin. Hindi ko pinakita ang pagkagulat ko sa pagsulpot niya rito.

"Tania- - -"

"Highmistress Tania," pagtatama ko sa kanyang pagtawag sa akin kaya napatulala siya.

"Highmistress Tania, may kailang kang malaman," sambit ni Ma'am Andy.

Ang panauhin na nasa harap ko ngayon ay walang iba kundi si Ma'am Andy Castro. Hindi ko akalain na isa rin pala siyang witch. Mahahalata ito sa kanyang kasuotan ngayon, at ang katotohanang nakaapak siya sa kastilyo.

"Speak," maikli kong utos kaya napatango siya at nagulat pa ako ng mapayuko siya sa aking harapan.

"Highmistress Tania, daughter of Highmaster Tanixus White, the former leader of  the White Coven, accept me again as your follower."

"Again?"

"I'm Andalia Strike, one of the officials of your father's court." Napatango ako sa pahayag niya.

"If you're lying, you'll die!" singhal ko sa at tinarakan siya ng death seal.

Nabigla siya ngunit agad ding nakabawi at taas-noong tumayo.

"Welcome to the coven, Andalia. Now, what do you want me to know?" pahayag ko nang hindi tumalab sa kanya ang death seal na nangangahulugan lamang na nagsasabi siya ng totoo.

"Tungkol kay Senior Marcelsa. Kailangan niya ang tulong mo." Napasinghap ako sa aking narinig ngunit agad ding bumalik aa pagiging seryoso.

"Anong ibig mong sabihin? Diba pinatay na siy ni Hermanta?"

Kinuha niya ang kanyang wand mula sa kanyang buhok. Isa itong hairstick na mukhang chopstick. Ikinompas niya ito at agad lumabas sa aming harapan si Lola Celsa na nakahiga sa sa ere.

Hindi ko na napigilan at napalapit ako sa kanya. Nanghihina siya at may itim na likido ang kumakalat sa kanyang leeg.

"Huli na nang makarating ako. Ginamitan siya ni Hermanta ng itim na salamangka. Nagawa ko siyang ilayo sa lugar, ngunit ito ang kinahantungan niya," pag-iimporma sa akin ni Ma'am Andy o Andalia.

"Lumayo ka," utos ko sa kanya na agad niya namang sinunod.

Hinawakan ko ang leeg ni Lola Celsa at pinakiramdaman ang enerhiya na bumabalot sa kanya. Nakapitan siya ng lason na unti-unting kumakain ng kanyang mana. Maaari siyang mamatay kung hindi ito maagapan pa.

Pinadaloy ko ang aking kapangyarihan patungo sa leeg ni Lola Celsa. Napamura ako dahil mahirap tanggalin ang lason na ito. Ngunit matapos ang ilang minuto ay sa wakas matagumpay ko itong natanggal sa kanya.

Pinalutang ko ang itim na likido na isang mataas na uri ng lason. Paano natutunan ni Hermanta ang ganitong klaseng mahika?

Isang tagasunod ang sumulpot sa aming kinaroroonan at inimpormang may bisita na naman ako na naghihintay sa labas.

Napangisi ako ng malaman kong galing sila sa Kaharian ng Vampyria. Gumawa kasi ako ng pananggala sa buong kastila na pumipigil sa pagpasok ng iba pang lahi. Kaya tanging lahi lang namin ang nakakaapak dito.

"Dalhin mo siya sa isang silid, Andalia. Ilang sandali rin lang ay magigising na siya."

Agad kong tinahak ang daan palabas ng kastilyo. Nakita ko ang hari ng Vampyria na si Haring Axel kasama sina Veronica at isa pang hindi pamilyar na lalaki. Nagtaka naman ako dahil ang kanyang amoy ay nag-aagaw bampira at lobo.

"Anong kailangan ninyo?" direkta kong tanong sa kanila.

"We came here to talk with you peacefully. Nagimbal ang lahat sa biglaang pag-usbong ulit ng Kahariang Covenia. At bilang hari ng Vampyria, ayaw kong maulit pa muli ang nangyari noon. Ayaw kong magkaroon ng hidwaan na magreresulta sa digmaan," pag-iimporma sa akin ni Haring Axel.

"And what are you suggesting?"

"Pledge allegiance with us. The other kingdoms acknowledge our authority, kaya kung makikipagkasundo ka sa amin ay dahan-dahang matatanggap ulit ng ibang lahi ang lahi ninyo."

"It's your kingdom who should swear loyalty under my rule. I don't mind other races trying to eliminate us, because it won't happen again, ever. I assure you. We once ruled Gabiarmun, and we will, again," mahinahon kong sambit at itinapon ang kanina pang nakalutang na lason.

Ang nataman nitong puno ay agad na natuyo at naglaho. Hindi nila maiwasang mapatingin sa naging kinahinatnan ng puno.

"But on a second thought, susubukan kong makipag-usap sa inyo basta sa loob mismo ng kastilyo," sarkastiko kong pahayag dahil gusto kong ipamukha sa kanila na walang pag-uusap na mangyayari. Alam kong hindi nila magagawang wasakin ang pananggala ko. Gawa kasi ito sa mataas na antas na mahika.

Bago pa makapagsalita ulit ay tinalikuran ko na sila at isinira ang pinto.

Good luck to them.

Besides, why would I swear loyalty to their kind if they're the very reason why my race gone nearly extinct?

Third Person

"Haring Axel, sigurado akong maghihiganti ang Covenia. Kaya habang hindi pa sila nakakabuo ng malakas na hukbo ay puksain na natin sila agad."

"Enough!" marahas na pahayag ni Haring Axel sa isang mayamang mamamayan ng Vampyria. Pumunta kasi ang grupo niya sa kaharian upang isiwalat sa hari ang kanilang nais mangyari.

Agad na kumalat sa buong lupain ang muling pagaulpot ng Covenia sa hindi nila maipaliwanag na dahilan. Matagal na itong wala, at para sa kanila ay mas mabuting wala na talaga ito. Lalo pa at alam nilang isang witch ang pinag-ugatan ng digmaan noon. Si Laila Witchter.

"Ngunit ano na ang magiging plano natin gayong tumangging makipagsundo ang namumuno ng Covenia?" nahinahong tanong ng Elder ng South Alley na si Zefar Craig.

"We will not conquer, but we will also not allow others conquer us. Let us stand in the line of peace and security," wika ni Haring Axel na sinangg-ayunan ng mga opisyales.

Magaling mamuno si Haring Axel. Matalino ito sa pagreresolba ng mga suliranin sa matiwasay at maayos na pamamaraan. Kaya naman ay buo ang tiwala ng mga opisyales ang natatanggap niya.

"Narinig ninyo ang Hari. At wala na kayong kailangang ikabahala pa dahil dodoblehen ng kaharian ang pagbabantay sa ating teritoryo," mariing pahayag ng bagong Heneral na si Maximo Blade.

Wala nang nagawa pa ang mga umapila at tuluyan nang umalis ng kastilyo.

"Actually, we still have a chance to talk to her." Napalingon ang mga opisyales sa Hari ng magsalita ito. "We just have to convince someone," dugtong pa niya.

"An who is it?"

"The former king, Caldrix Darius Dark."

Meant To BeWhere stories live. Discover now