Probinsiyana 12

6.4K 353 66
                                    

Tania

Kanina pa ako nanlalamig at hindi mapakali. My body is sweating hard. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko ngayong dadalo ako ng Acquaintance Ball.

Nag-iisa na lang ako sa kuwarto dahil kanina pa nauna si Mira matapos siya sunduin ni Niki. Hindi ako sumama sa kanila dahil sa utos ni Caleb na susunduin niya ako.

Just the thought of him as my date is enough to make me go nuts.

Tumunog ang telepono sa silid kaya sinagot ko ito. Inimporma ako ng guwardiya na may naghihintay sa akin sa labas kaya agad akong pumanhik doon.

Isang kulay itim na kotse ang nakaparada sa labas. Nang papalapit ako ay agad itong bumukad at lumabad ang isang lalaking hindi ko inaasahan.

"T-tristan Sphinx?" taka kong tanong nang siya ang nasilayan ko. Napatingin pa ako sa paligid ngunit walang bakas ni Caleb ang aking nasilayan.

"Boss is sad to inform you his change of plan. Hindi na ikaw ang date niya, sa halip ay pinadala niya ako. Get in already."

Napatulala ako sa kanyang sinabi. Biglang nawala lahat ng aking excitement at napalitan ito ng disappointment. Ganoon na lang ba iyon?

Dahil wala na akong magagawa pa ay pumasok na lang ako sa kotse at tumahimik na lang.

Pagkatapos niyang mangalandakan na ako ang magiging date niya ay sasabihin niya ngayong hindi na ako. Is that how he changed his mind? Napakadali at hindi manlang iniisip ang mararamdaman ng kabilang party? Sabagay, lumaki siya sa marangyang pamilya kaya malaya siyang nagagawa ang ano mang nais niya.

Huminga ako ng malalim at pilit iwinaksi ang aking agam-agam. I'll enjoy this night, no matter what. Hindi nakasalalay sa kanya ang kasiyahan ko ngayong gabi. And in fact, Tristan himself is already a great catch. He's good-looking, rich, and famous.

Tumikhim ako at nagsimula ng isang usapan upang malibang ang aking sarili.

"Wala ka bang ibang date, Tristan? Baka napilitan ka lang dahil utos ito ni Caleb."

Napakagat-labi ako nang hindi siya kumibo at naging tahimik lang. Akala ko hindi na siya sasagot ngunit nagsimula siyang magsalita.

"None. Don't worry." Napatango lang ako.

"How about Caleb? Sino ang - - -" Hindi pa ako tapos sa aking tanong ay nagsalita na siya.

"Stephani Wung, the face of CEU. She's pretty, rich, and famous. They made a great couple," pag-iimporma niya sa akin sa paraan na nakasanayan niya, deritso at walang paligoy-ligoy pa.

Napatango lang ako kahit medyo may kirot sa aking damdamin. Bakit si Stephani pa? Nananadya ba si Caleb? Gumaganti na ba siya sa aking mga nagawa sa kanya?

Nang mapatingin ako sa labas ay napansin kong lumagpas na kami sa CEU kaya pinuna ko ito agad.

"Lumagpas na tayo, Tristan."

"Do you think I'll date you with that outfit of yours? I have my own standards, and I'm not Caleb who's deeply into you no matter how you look."

Napalunok ako sa kanyang pahayag. He's always straightforward and it's keeping me uncomfortable.

Dahil sabi sa akin ni Caleb na wala siyang pakialam sa susuotin ko, ito ang napili kong damit nang pinagshopping kami ni Niki noong nakaraang araw. Silang dalawa ay hindi ayun sa napili kong damit, ngunit wala na silang nagawa pa at hinayaan na lang ako.

Third Person

Nagsimula na ang acquaintance ball at lahat ay masiglang nagkakasiyahan.

Sa isang sulok ay nakaupo si Caleb habang nakalingkis si Stephani sa kanya na parang ahas. Gusto na niya itong ipagtabuyan ngunit kailangan niyang gawin ito. Alang-alang kay Tania.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon