Chapter 20

2.7K 146 14
                                    

Chapter 20

May kasamang babae.

Or should I say kahalikan?

May kahalikang babae.

Nasa gilid na parte sila ng isang abandunang room malayo dito walang nadaan na mga estudyante pero kapag tumingin ka sa parteng yon ay makikita mo sila agad.

B-bakit?

"Kish ano bat nakatulala ka dyan tara na----" akmang lilingon si Amber pero agad ko na syang hinila palayo don.

"Oy sandali bakit mo bako hinihila Kiesha! Kaya kong mag lakad oyy---" saktong pag dating namin sa entrance ng cafeteria ay binitawan kona sya.

Huminga ako ng malalim at pilit tinatanggal sa isip ko ang nakita ko kanina.

"Problema teh?" Umiling lang ako kay Amber.

Tiningnan nyakong mabuti kaya nag iwas ako ng tingin, nag sinula nakong mag lakad papasok sa cafeteria.

Agad kong inikot ang mata ko at agad ko din namang nakita ang hinahanap ko--sila ang apat syempre wala pa si Dwayne.

Busy pa ata.

Syempre mag kakasama na naman kami nasanay na talaga kaming mag kakasamang pito lalo na twing lunch pero sandali lang din, hindi kami nag kakaron ng mahabang usapan.

Kain lang ng kain.

At ang masasabi ko lang talaga ngayon sa loob ng bwan naming mag kakasamang pito close na talaga namin ang isa't isa mag ka-kaibigan na kami.

At sobrang saya non para samin ni Amber syempre ngayon lang din namin naranasan na mag karon ng mga kaibigan na ganito.

Tungkol naman dito sa school nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi katulad sa mga nababasa ko kapag yung lalaki sikat o kapag may ari ng school makita lang nila na may kasama yung lalaki gagawa na sila ng club tapos kukuyugin yung babae, thankful naman ako kahit minsan may naririnig akong mga usap usap tungkol samin eh hindi nila ako kinukuyog or what.

Back to present tayo, nag lakad ako papunta sa table namin syempre iisang table nalang kami.

Umupo ako sa pwesto ko pati si Amber na kaninang inunahan ko sa pag lalakad ngayon ay katabi kona hindi sya nag sasalita pero kung makatingin sya sakin parang ang lakas ng ginawa kong kasalanan well alam kona inoobserbahan nyako dahil siguro sa pag bubuntong hininga ko kanina.

Pag ka upong pag kaupo ko agad na lumipat ang tingin sakin ng apat.

"Oh bat kayo ganyan makatingin?" Patay malisyang tanong ko.

"Si Dwayne bat di nyo kasama?" Takang tanong ni Emil.

Busy pa ata.

Nag kibit balikat ako.

"Ewan ko" simpleng sagot ko tsaka nag simulang kumain ng mga pagkain ba inorder nila.

Ganito palagi sila ang mauuna tapos pag dating namin may mga order bg mga pagkain.

Ito pa ang isang maganda kapag mag kakasama kami dahil hindi talaga nila kami pinababayaan ni Amber na kami ang gumastos pag break lunch or whatever basta mag kakasama kami, kahit naman tanggigan namin sila ay ayaw nila kaya sila parati ang nagastos.

Napatingin ako sa kanila ng nakatingin lang sila sakin pati si Amber hindi padin nag sisimulang kumain.

"Oh ayaw nyo pang kumain?" Tanong ko sa kanila.

"Si Dwayne k-kasi wala pa" mahinang sabi ni Rafael.

Ahh.. tumango tango ako. Nakaramdam din ako ng hiya tss nauna pakong kumain sa kanila eh samantalang inantay nila kami.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon