Chapter 57 - Who's back?

2K 138 71
                                    

Chapter 57 -  Who's back?


NEMESIS KEITH SALDIEGO

Hindi ko alam kung anong oras na'kong nagising kinaumagahan. Anong oras nadin kasi sila Kiesha umuwi kagabi, sinabihan ko na dito na matulog pero tumaggi sila lalo na sya may gagawin la daw sya.

Ang laki ng pinag bago nya hindi ko akalain na magagawa nya'yon ng ilang araw lang.

At kagagawan yon ni Dwayne, alam kong sobrang nasasaktan si Kiesha, durog na durog, pero sana lang talaga yung pag babago nyang yon totoo at hindi pag papanggap lang na malakas talaga sya sa harap namin.

Kung nag bago nga talagang syang totoo naging matatag mas matatanggap ko ang pag babago nyang'yon basta totoo pero kung nag bago sya kapag kaharap lang kami? Wag naman sana. Ayoko ding mahimg peke sya sa sarili nya.

Naligo nalang ako at pagkatapos ko ay bumaba na'ko ang ingay na namn don't tell me nandito na naman sila Asher? Napailing nalang ako ng maisip ang plano dapat namin kahapon na nauwi lang sa wala.

Ang planong dapat na pupuntahan nila ang mga lugar na pinupuntahan ni Dwayne pero hindi yon natuloy dahil dumating si Kiesha at hanggang gabi na kami nag kulitan ng nag kulitan.

Pero maganda narin dahil nakasama namin si Kiesha at least alam namin ang lagay nya.

But please don't tell me nandito na naman sila?

Nag madali nalang akong bumaba at dumeretso sa kusina, nag buntong hininga nalang ako ng makitang nandito si Gino at si Ashe nag tatalo habang may inaayos.

Ang aga agang mambwisit ng mga to.

"Good morning" ngumiti si Gino pero inirapan ko lang sya.

Nag lakad ako papalapit sa kanila at umupo.

"Ginagawa nyo?" I asked them.

"Ang aga nyo ah" I said sarcastically.

"Oo nakikikain" sabi ni Asher habang may hawak na plato.

Ang kapal.

"Baka nakikilamon?" Sarkastikong pag tatama ko.

"Napaka sama mo, good morning den" he rolled his eyes.

Bading mag sama sama silang mag kakaibigan.

"Tsk tsk nako Asher baka isipin nila tito Ashton at tita Shae nakukulangan ka sa kanila" nag ubuubuhan pa'ko tsaka kinuha ang platong hinanda ni Gino tsaka ako kunwaring busyng nakain.

Tumingin ako sa kanya ng hindi sya nag salita, kumunot ang noo nya bago ibaba ang platong hawak.

"Sumusobra na kayong dalwa ah"

Tsk pikon.

"Eh bakit ka ba kasi nandito? Bakit hindi ka kanila Amber pumunta?" Tanong ni Gino, umupo sa katabi kong upuan.

"Wala ka pake, galit ata sa'kin" problemadong sabi nya, natawa ako.

"Baket nyare?" Tumawa ako.

"Psh hindi ako pinapansin eh. Pupuntahan kona mamaya pag katapos kong maki LAMON masaya kana masaya kanaa?" Gigil na tanong ni Asher habang nakatingin sa'kin.

"Sus hindi ako pinapansin pero pag nakita non ang kagwapuhan ko baka ma in love pa'yon" ani Asher tapos tumawa.

"Tanga ako lang gwapo dito" sabi ni Gino tapos may binato kay Asher.

Tiningnan ko sya.

"Wow Gino Kelen pa lumabas lahat ng hangin dyan sa sintido mo? Ang lamig ramdam na ramdam ko" sabi ko at sabay kaming natawa ni Asher.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon