Chapter 68

1.9K 121 21
                                    

Chapter 68

KIESHA BEATRIXE ANDES

Walang tigil ang luha ko sa pag tulo matapos nyang mag paliwanag. Ang totoo kanina pa'ko umiiyak kahit ayaw kong umiyak sa harapan nya dahil sa totoo nakakapagod na talaga ang umiyak pero ng marinig ko ang paliwanag nya, naging sunod sunod at walang tigil ang pag luha ko. Sa t'wing sinusubukan nya ang lumapit sa'kin paulit ulit ko lang syang iniilingan.

Mag ka-kahalong, galit,inis, ang nararamdaman ko ngayon para sa sarili ko. Sobrang hiyang hiya ako ngayon, inis na inis at galit na galit sa sarili ko.

Bakit nga ba hindi nalang ako naniwala tungkol sa mga naririnig kong may malalim syang dahilan, na mahal nya'ko. Bakit nga ba pinag dudahan ko si Dwayne na mahal nya'ko sa kabila ng mga pinaparamdam nya sa'kin, simula ng aminin nyang gusto nya'ko. Bakit nga ba hindi ko nalang pinakinggan ng mas maaga ang paliwanag nya?

Pero sa lahat ng katanungan ko sa isip ko isa lang ang sigurado akong sagot. Dahil nasasaktan ako. Dahil akala ko kapag narinig ko ng mas maaga ang paliwanag nya mas lalo akong masasaktan sahil maririnig ko sa kanya na nag celebrate sila ni Dinna.

Totoong mas lalo akong nasaktan matapos marinig ang paliwanag nya dahil sa katotohanang kaya nya kinailangang umalis dahil sa'kin, para protektahan ako.

Ang tanga mo Kiesha, ang tanga tanga mo. Tanga ka na nga sa pag ibig tapos lalo mo pang pinanindigan.

Nahihiya ako kay Dwayne, sobrang nahihiya ako sa kanya, sa maraming dahilan matapos marinig ang paliwanag nya.

Nawala aya ng isang linggo dahil sa'kin. Para protektahan ako. Kutsilyo ang hawak nya. Handa syang masaksak wag lang akong magalaw nila Lukas.

"K-kiesha, stop c-rying please?" I heard him whispered. Kinagat ko nalang ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag hikbi. Pero paano ako titigil sa kakaiyak?

Si Lukas.

Bakit hindi nalang sya nag pakita sa'kin? Bakit nya nagawa 'to? Pwede namang pag usapan ang tungkol sa'min, tungkol sa pag kakaibigan namin. Galit ako kay Lukas oo dahil sa pag alis nya ng walang pasabi n'on pero maaayos pa naman 'yon kung nag pakita sya sakin at nakipag usap.

Umiling ako. Pero kahit gustong gusto ko na maayos kami ni Lukas pakiramdam ko hindu na mang yayari 'yon ngayon. Malabong mang yari 'yon NGAYON.

Yung inaakala naming lahat na pag ce-celebrate nya sa t'wing sasapit ang araw na anniversary nila ni Dinna, na wala namang katotohanan.

Kahit nag kita sila ni Dinna, hindi sya bumalik o kahit nakipag usap kay Dinna dahil mahal nya'ko.

Mahal nya ako kaya sya nawala ng isang linggo.

"I-i'm sorry." mahinang sabi ko kay Dwayne, hindi ako tumingin sa kanya dahil na hihiya ako. Patuloy parin ang pag tulo ng luha ko pero hindi na'ko nahikbi, nakayuko lang rin ako dahil hindi ako makatingin sa kanya talaga.

"H-huh? For what? Oh ghad baby please stop crying." Hindi ko agad naramdaman ang pag lapit nya sa'kin. Basta nakita ko nalang syang nakaluhod sa harapan ko dahil nakayuko ako, iniwas ko ang paningin ko pero hinawakan nya ang baba ko. Ng mag tama ang mata namin ay hindi ko maintindihan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngumuti sya sa'kin, pero hindi rin nakatakas sa mata ko ang basa nyang pisgi.

Gusto kong punasan ang pisgi nya pero hindi ko magawa, hindi ako makagalaw ng maayos.

"I love you" ngumiti sya sa'kin at pag katapos nyang sabihin 'yon ay hinalikan nya'ko sa noo.

Pero hindi padin ako makapag salita hindi ko alam ang sasabihin ko dahil natatanga padin ako. Ang tanga ko.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon