Chapter 58 - He's back

1.8K 129 39
                                    


Chapter 58 - He is back




Naging sunod ang pag hinga ko dahil sa mga narinig ko, ito naba yung matagal naming hinihintay?

Bumalik naba sya?

Hindi na'ko nag abalang mag tanong pa sa mga kasambahay, mabilis akong nag lakad pataas. Hingal na hingal ako ng marating ko ang tapat kwarto ni Dwayne.

Ang pag kakarinig ko ay bukas ang kwarto nya pero sarado na ngayon dahil ba sinarado nya? Dwayne nandyan kana ba?

Hinawakan ko ang doorknob at dahang dahang pinihit yon, kinakabahan ako.

Ganon nalang ang gulat ko ng makita si Dwayne na nakaupo sa kama, patagilid sa'kin nakatulala lang sya hindi ko makita ng maayos ang mukha nya dahil nga naka tagilid sya sa'kin at nakatayo parin ako malapit sa may pinto.

Tanginaa! Nandito na syaa! He is back!

Pero paanong nakapunta sya dito ng hindi ko manlang naramdaman? Hindi ko manlang nakita? Saan sya dumaan? Oo malaki ang bahay namin pero arrghh!

Nandito naba talaga ang hampas lupang kakambal ko o namamalikmata lang ako?

Damn it! Hindi ko alam kung paano mag sasalita, hindi ko alam kung paano sya sisimulang kausapin. Kumurap kurap ako, pasimple pang kinurot ang sarili pero! Hindi ako namamalikta fvck! He's really here! He's back!

Sa totoo lang gusto ko syang sampalin ng hard dahil yun talaga ang gusto kong gawin simula ng malaman kong umalis na naman sya non, pero hindi ako makagalaw ngayon hindi ako makapaniwala na nandito na sya oo isang linggo na ngayon pero kadalasan kapag ganito gabing gabi pa sya nauwi basta kinabukasan gigising nalang kami na nandito na sya kaya ganito nalang ang pag kagulat ko ngayon dahil ang aga nya, hindi naman sa nag rereklamo pa'ko kasi nandito na sya ang tagal nga namin syang hinintay right? Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito na sya.

"What do you need?" Halos mapalundag ako ng mag salita sya tumingin ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sa'kin, hindi na sya nakatulala dahil nakayuko na sya.

"You're back? Wow?" Sarkastikong sabi ko, sa wakas nakapag salita nadin pero hindi padin ako naalis sa pwesto ko, nakatayo padin ako malapit sa may pinto, malayo sa kanya pero sapat lang para marinig namin ang isa't isa.

"Not now please Nemesis leave" napasinghal ako dahil sa pakiusap nyang'yon. Halatang hakatang nakikiusap.

"Hindi ko akalain na makapal pala ang mukha ng kakambal ko?" Ngiting plastik na sabi ko.

"So totoo nga hindi kapa nakaka move on sa ex mo? Tss" umiling iling ako ngumiti din ng hindi naman totoo, pinapamukha sa kanya ang katangahan nya.

I heard him sighed, pinipigilan ang inis. "What are you talking about? Shut up Nemesis"

"Anong What I'm talking about? Hahha come on Dwayne, sa twing sasapit ang araw na'to umaalis ka ng isang linggo para ano? Para i celebrate yung anniversary nyo ng ex mo. Hindi kaba nahihiya kay Kiesha? Nandyan yung tao para sa'yo pero umaalis ka para sa ex mong matagal kanang iniwan. Wake up stupid Dwayne." I rolled my eyes. Doon lang ako nag lakad papalapit sa kanya at umupo sa dulong bahagi ng kama nya kahit kaharap kona sya ay hindi ko parin makita ang mukha nya dahil nakayuko sya. Bakit ba ayaw nyang tumingin sa'kin? Hindi man lang nag sasalita

"Please leave I need to take a rest" hindi man lang nya pinansin ang sinabi ko sa halip na sagutin nya ang tanong ko ay dumapa sya sa kama at niyakap ang unan dahilan para lalong hindi ko makita ang reaksyon nya.

The fvck? Seryoso ba sya dyan? Paano nya nagagawang mag pa chill chill lang? Naisip man lang ba nya si Kiesha? Galingg na ba sya don? Nakapag paliwanag naba sya kay Kiesha?

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon