Chapter 82 - Celebration Party

1.5K 99 30
                                    


Chapter 82  - Celebration Party






This is the day, dapat masaya ako dahil ito ang araw na sinabi ni Dwayne. Umaga pa naman dahil mamaya pa ang party pero halos lahat ng katulong sa bahay nila ay nag kalat at mas dumami pa.

Ang celebration party na gaganapin ay dahil sa successful na proposal nila tita sa kabilang kumpanya kaya madami talaga ang dadalo mayayaman at mga bigatin ang mga 'yon paninigurado.

Lahat ay busy, kanina pa'ko nandito sa totoo lang pero hindi ko makita si Dwayne pag katapos kasi ng nangyari kagabi ay padabog syang umalis at hindi na namin nahagilap hanggang ngayon.

Ang totoo dapat ang ginagawa namin ngayon ni Dwayne ay nag hahanap ng susuutin kong simple gown para mamayang gabi 'yon kasi ang sabi nya tutulungan nya daw ako, ayos lang naman kahit ako lang ngayon kaya lang hindi ako mapakali na ganito ang nangyari, ayoko na ganito ang sitwasyon naming dalawa. Hindi din kasi namin 'yon nagawa nitong mga nag daang araw kaya dapat ngayon dahil mamayang gabi na 'yon pero paano pa?

I can't find him.

Sobra akong kinakabahan baka maulit na naman ang nangyari, wag naman sana tama na yung isang linggo na 'yon.

Huminga ako ng malalim at nag lakad pababa sa hagdan nila, para akong lantang gulay.

Kagabi pa'ko tinatawagan at tinetext ni Amber na hindi ko naman sinasagot.
Pati si Sierra at Emil ay tinadtad din ako ng text, mabuti na nga lang at hindi nag away ang dalawa. Si Rafael, Asher, Amber ay pinadalahan pa talaga ako ng ice cream kagabi.
Si Gino ay nag sorry hindi ko alam kung bakit. Si Nem ay hindi kopa ulit nakikita.

Umalis na nga din pala si Raf dahil ngayong umaga nya kakaunin si Dinna sa airport. Nag buntong hininga nalang ako bago umupo muna sandali sa sofa pag ka upo ko.

"Mag palamig ka muna oh." Ngumiti ako kay manang at kinuha ang iniabot nya sa 'king juice.

Umalis nadin si manang sa harap ko pag ka bigay non dahil madami ang ginagawa talaga pakiramdam ko nga ay pang pasikip lang ako dito, hays.

"Kiesha." Lumingon ako sa may bandang gilid ko ng marinig ko ang boses ni Nem. Dahan dahan syang nag lakad papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Nem." I smiled at her.

"I'm sorry about what happened." Sincere na sabi nya sa'kin, kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" I asked.

"Hindi na dapat ako nag tanong kagabi tungkol do'n, hinukay kopa ang tungkol doon eh antagal na non pasensya na dapat nag tanong nalang ako sa inyo, kasi ano gusto ko lang naman kasing malaman, nakita ko kasing muntikan ng halikan ni Janna si Gino." Nakayukong sabi nya.

Prangka at pasmado si Nemesis alam 'yon ng lahat pero ngayon ang nakikita ko sa kanya ay ang batang bersyon nya katulad ng una ko syang nakita.

"Wala maman akong pake sa totoo lang, choice naman 'yon ni Gino, hindi ko na nga lang din sinabi sa kanya na nakita ko. Ayoko naman pating makipag sabunutan dahil lang sa lalaki. Hindi lang talaga ako nakapag pigil at naalala ko 'yon kagabi kaya natanong kom I'm sorry, very sorry." Dagdag nya.

Hinawakan ko naman ang kamay nya kaya umangat ang tingin nya sa'kin.

"Ayos lang 'yon kung tutuusin ay dapat din talagang malaman 'yon ni Dwayne. Tsaka hayaan mo na talaga si Gino halata namang mahal ka non at hindi papabayaang makipag sabunutan ka." Mahina akong tumawa.

Ngumuso sya sa'kin. "Lagi kong pinag t-tripan si Gino."  Natawa nalang ako lalo.

"Oo nga pala alam ko kung nasan si Kuya kagabi pa sya nandon hindi nalabas, hindi din nag papapasok." Agad nawala ang ngiti ko at deretsong tumingin sa kanya.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon