Chapter 25

2.6K 138 23
                                    


Chapter 25


Pag kadating ng driver ni Amber ay agad na syang nag drive kaya nakarating agad kami sa condo.

Nag deretso na agad kami sa kwarto, binaba lang namin saglit ang gamit namin si Amber naman ay binuksan agad ang closet ko tsaka nag halungkat nafon, maya maya lang din ay pumasok si Lolo may hawak na tray my Ice cream!

Agad akong tumayo sa kama at tinulungan don si Lolo.

"Amber hija Ice cream" alok ni Lolo sa kanya, lumapit naman si Amber sa ice cream nya tsaka sumubo lang sandali.

"Salamat po Lo" si Amber.

Umupo din muna sandali si Amber habang hawak ang mangkok ng ice cream nya magkatabi kami.

Halos maubos kona ang ice cream ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko.

Kinuha ko yon sa bag tsaka tiningnan.

From: Dwayne

Babe. I'll pick you up 7 pm.

Halos masamid ako ng mabasa ko ang message nya, nanlalaking tiningnan ko ang wall clock. 6:20 pm.

"7 daw pupunta dito si Dwayne wala pakong susuotin!" Tarantang sigaw ko.

Pati si Lolo at Amber ay nataranta nadin, tumayo na kami ni Amber tsaka nag lakad papalapit sa closet tsaka nag hukay don ng dress na isusuot.

Si Lolo ang tiga tingin namin ni Amber kung ayos lang ba ang damit minsan ay natulong din si Lolo sa pag hahanp.

"Eto kaya Lo? " Sabi ni Amber hinarap nya kay Lolo ang isang simpleng cocktail maroon dress kay lolo, kitang kita ang ganda nito,  up shoulder style din ang dress, nato pag tiningnan mo ang dress nato ay magugustugan mo agad.

"Maganda ang isang yan bagay na bagay kay Kiesha" sabi ni Lolo.

Tumingin silang dalawa sakin at ngumiti.

Sa wakas nakahanap nadin SILAng damit na babagay sakin oo SILA! kanina pa kasi kami nag hahanap pero ang laging nakikita namin ay maiikling dress pag hindi naman yung labas sa likod o kung ano ano pang pang sexy na damit na hindi ko naman type hindi ako sanay sa ganon eh, ngayon isang maroon dress na style up shoulder maganda sya at gusto ko.

"Syempre Lo hindi pwedeng hindi pa yan babagay sa kanya ang tagal ko kayang nag hukay dyan halos pasukin kona yung closet HAHA" natawa nalang din ako pati si Lolo.

"Oo nga naman ang tagal ko ding dumaldal dito halos maubos ang laway ko" sabi ni lolo tapos nag tawanan kami.

"Oh Kiesha diba maganda bagay sayo to!" Sabi ni Amber at lumapit sakin tinapat nya sa katawan ko ang dress na para bang suot suot ko yon.

Nakangiti naman akong tumango. "Gusto ko to"

"Syempre naman! Pinag hirapan namin to ni lolo no NAMIN!" tumawa nalang alo dahil nilagyan pa bya ng diin ang namin.

Sila lang naman kasi talaga ni lolo ang nag tulong na maghanap ng susuotin ko nanonood lang ako sa kanila kanina feeling ko kasi magugulo lang sila kapag nakisali pako kaya hindi nako nangealam, nakahanap naman sila ng magandang susuotin ko at nagustuhan ko naman yon! Gustong gusto!

"Sige na Kiesha mag ayos kana anong oras na" sabi ni Lolo bago kinuha yung dalawang bowl na ginamit namin kanina tsaka lumabas.

Tumingin naman ako kay Amber na nakangiti sakin.

"Ako mag aayos sayo mamaya pagkatapos mong maligo" sabi nya tsaka lumapit sakin hinaplos nya ang buhok ko habang nakatingin sakin, nagulat ako sahil ngayon nya lang ginagawa to, para bang may mabigat na problemang sasabihin ang tingin nya sakin ngayon. "Kahit hindi totoo ang relasyon nyo ni Dwayne masaya ako dahil nakikita ko kayong masaya sa isa't isa. kahit ganito ang set up nyo, sana maging totoo kayo sa isa't isa." Ngumiti sya sakin pero hindi naman naabot sa mata.  Kusa kong nalunok ang laway ko dahil sa sinabi nyang yon ngayon lang talaga sya naging ganito sakin katulad ni Asher hindi ako sanay na seryoso sya.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon