Chapter 31

2.5K 144 15
                                    

Chapter 31


Dahil mabilis lumipas ang araw isang linggo na agad ang lumipas simula ng  mangyari ang kaganapan nayon sa condo at walang pasok ngayon dahil linggo.

Bilis ng araw no? Parang sya bilis kang pinag palit.

Anyways nandito kami ni Amber ngayon sa condo wala ulit si Lolo hindi ko talaga alam kung saan nag pupunta si lolo nitong mga nakaraan pero sa susunod mag aabala nakong tanungin si Lolo syempre minsan na bu-busy din ako pero pag nakauwi si Lolo tatanungin ko na sya baka mamaya?

Kaya nandito kami ni Amber ngayon sa condo ay dahil inaantay namin si Nem at Sierra gusto daw kasi akong makausap ni Nem hindi ko maiwasang kabahan simula kasi nung mang yaring yon sa condo pag kalabas ni Dwayne ilang minuto lang sumunod si Nem aa kanya at matapos non di na kaki nakapag usap.

Yung lima naman okay naman sila mag kakasama padin sila palagi tulad ng dati pero nabanggit sakin ni Asher na hindi daw nag kikibuan si Emil at Dwayne.

Pati si Asher ay hindi kopa nakakausap dahil don tung gusto kong itanong sa kanya ay hindi kopa din natatajong dahil sa kaganapang yon.

Tungkol naman sa pag kakagusto sakin ni Emil kahit inamin nya yon sakin sa harap naming lahat ay nanatili ang pag trato nya sakin ng ganon katulad ng noon, at nag papasalamat ako don ayokong mag kagulo silang lima lalo na sila ni Dwayne dahil sakin.

Si Dwayne naman halatang inis padin kay Emil pero lagi ko syang sinasabihan na hayaan nalang.

Sya naman ang gusto ko eh.

"Kish! Nandyan na sila Nem!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sa pag sigaw ni Amber.

Kanina pako nakapag ayos ng sarili ko peeo mas pinili ko muna na mahiga sa kama at hinayaan si Amber na kumilos sa kusina para daw may pagkain mamaya pag dating nila Nem.

Halos isang linggo ko nading pinag iisipan kung ano ang sasahihin sakin ni Nem o ni Sierra kapag nag kaharap ulit kami dahil saming mag kakaibigan sila lang ang hindi nakakaalam tungkol sa pag papanggap namin ni Dwayne.

Pumasok si Amber sa kwarto na may suot pang apron sinuot ko naman ang panloob na tsinelas ko bago humarap sa kanya.

"Pinapasok mo na?" Tanong ko aa kanya.

Tumango naman si Amber sakin. "Oo nandon na sa sala tara" huminga ako ng malalim tumango.

"Oh kalma lang ah wag kang iiyak" sinamaan ko sya ng tingin nakangiting nag peace sign naman sya.

Alam ko naman na pinapalakas nya lang ang loob ko.

"Tara na nga" sabay kaming lumabas ni Amber ng kwarto tsaka nag tungo papuntang sala at doon ko nakota si Nem at Sierra na nakaupo nainom ng tubig o juice?

"She's here Nem" sabi ni Sierra napatingin naman sakin si Nem tsaka ngumiti.

"Hi kish" bati nya sakin.

"Hi Nem, Sierra" pormal na bati ko sa kanila bago nag lakad papalapit sa kanila tsaka umupo din.

"Kukuhanin ko lang sandali yung brownies ah" tumango kami kay Amber tiningnan nyako saglit bago nag lakad papuntang kusina.

"Kamusta na?" Tumingin ako kay Nem baho ngumiti ng bahagya.

"Okay naman ikaw ba kayo?" Hindi ako komportable kapag ganito kami nagbuusap mas gusto kopa yung puro biruan o tawanan.

"We're fine" maiklimg sagot nya.

Pag katapos non ay natahimik kami sandali bumalik nadin si Amber na dala dala ying brownies nya nakalagay nayon sa plato.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon