Chapter 71

1.8K 125 20
                                    


Happy Happy Birthday 'Leizl Berezo' Lizel bb! More Birthdays to comee! ♥️♥️♥️









Chapter 71

Kahit na nauna akong lumabas kay Dwayne syempre sya parin ang kasabay ko. Si Gino at Nem kasi ang mag kasabay nauna na sila dahil nandon nadin daw naman sa bar nila Raf ang iba naming mga kaibigan.

Nandito na kami ni Dwayne nakasakay sa kotse nya, nag d-driver nadin sya palabas sa gate nila.

Nakangiti lang naman ako habang hawak ang kwintas ko na bigay nya at minsan napapa sulyap pa sa kanya habang nakangiti din.

"Will you please stop doing that love? Hindi ako makapag focus sa pag mamaneho, na di-distract ako." Kununot ang noo ko sa sinabi nya pero napangiti nalang din.

Kinuha ko ang cellphone nya na nakapatong sa dashboard at kinalikot ang mga laman n'on wala naman sa kanya kaya tinuloy ko lang ang ginagawa ko.

Tiningnan ko ang gallery nya at nanlaki ang mga mata ng makitang halos ako lamg ang laman n'on!

Mga stolen shots pa ito!

"You okay?" Tumingin ako sa kanya ng hindu makapaniwala bago napatingin ulit sa cellphone nya.

"Cellphone mo ba 'to o akin? Bakit puro mukha ko ang nandito?" Gulong gulong tanong ko.

I heard him sighed. "'cause I'm crazy." Maiki at mahinang sagot nya bago ako nginitian ng malawak.

Baliw nga.

Inirapan ko nalang sya bago ulit tinuloy ang pag tingin sa cellphone nya pero halos mukha ko talaga lahat ang nandon, ang wallpaper nya ay kamimg dalwa dito sa kotse nya habang tulog ako.

"Kiesha." Tumingin ako sa kanya ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Hmm?"

"Can I court you?" Huh?

Hindi agad ako nakapag salita dahil sa sinabi nyang 'yon.

OMG! Kiesha ligaw daw!

"Hhmm. It's okay I don't need your permission anyway, I'll still court you everyday." He chuckled.

Halaaa ligaw ngaa!

"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Here oh. This is for you." May kinuha sya sa backseat at inabot sa'kin.

Gulay! Bouquet of roses!

Hindi ako makapag salita at nakatingin lang sa kanya kulang nalang malaglag ang panga.

Ni hindi ko napansin na may ganon pala sa backseat ng kotse.

"Can you be my girlfriend baby?" Taena?

Paano bang mag salita? Hindi ako makapag salita ano ba ang dapat sabihin? Jusko, hindi naman 'to ang first time na may nag sabi sa'kin na liligawan ako.

Pero kasi eh paano ba'kong maniniwala kay Dwayne?

Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Tengene? Paano ba kasi manligaw?" Rinig kong bulong nya.

Pinalobo ko ang pisgi para pigilan ang pag tawa.

"Busted kana HAHAHAH." Malakas akong tanawa ng hindi ko napigilan pero kumunot lang ang noo nya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Girlfriend na naman kita ah? I just want to court you everyday." Lakas ah?

"Eh paano mo nga akong liligawan kung di ka marunong duh?" I rolled my gorgeous eyes.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon