Chapter 84

1.3K 92 23
                                    

Chapter 84





AMBER LYN CARMERO

Walang ni isang nakaka alam kung ano talaga ang nangyayari, lahat kami ay gulong gulo pag ka takbo din ni Kiesha ay agad sumunod si Dwayne na agad ding nasundan ni Tita Keisy, nauna lang talaga ang pag takbo agad ni Dwayne, Samantala lang kami dito ay nag katinginan lang at hindi alam ang gagawin, ayaw pang mag loading sa amin ang lahat

Jusko! Ang gulo gulo!

Pero mabuti nalang at kahit paano eh nasa loob kami at kami kami lang ang tao.

"Saan pumunta sina mama?" Mahinang tanong ni Dinna.

Napatingin ako sa kanila ni Janna, mag kapatid ba sila? Kapatid ba nila si Kiesha?

Ang gulo gulo.

Gustong gusto ko silang tanungin pero alam kong hindi 'to ang tamang oras ngayon.

"Ano daw Kiesha anak?!" Biglaang sigaw nya halatang gulat na gulat.

"Halaa! Maa sandale!" Pag katapos non ay tumakbo nadin sya palabas.

"Dinna naulan sandali lang!" Na agad namang nasundan ni Rafael.

Doon lang pumasok sa'kin ang lahat! Doon lang din ako natauhan, nakitakbo nadin ako palabas at narinig ko naman ang mga sigawan nila pero maya maya lang din ay kasabay kona sila sa pag takbo palabas.

"Ber be careful!" Bigla kong naramdaman ang pag hila ni Asher sa kamay ko.

Hinila nya'ko papasok sa loob ng kotse nya sa passenger seat, pinunsan sandali ang basa kong buhok at mukha.

Naulan nga pala.

"Baka mag kasakit ka nyan." Pinunasan nya ulit ang ulo at mukha ko.

"I don't care, puntahan natin sila Kiesha sure akong sa condo ang punta nila." Hinawakan ko ang kamay ni Asher.

"Please Ash, ngayon na." Pakiusap ko.

Kailangan ako ni Kiesha.

"Pupunta talaga tayo do'n okay? Calm down." Hinalikan nya ang kamay ko bago inistart ang engine ng kotse.

Dahan dahan lang ang pag mamaneho ni Asher ng sasakyan dahil sa lakas ng ulan at alam kong madulas ang daan pero medyo bumilis 'yon ng makarinig kami pareho ng mag kakasunod na busina.

Alam kong sila Nem na 'yon sa likudan.

Pare pareho lang ang sitwasyon namin ngayon, lahat kami ay gulong gulo pero sa aming lahat alam kong si Kiesha ang pinaka nahihirapan at gulong gulo sa sitwasyon ngayon.

Alam kong sobrang bigat na naman ng dinadala nya katulad ng unang beses syang mag kwento sa'kin pero mas mabigat 'yon ngayon dahil ngayon nandito na talaga ang mama nya.

Hanggang ngayon ay wala paring nakakapag sabi kung mag kapatid ba talaga silang tatlo.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng building tsaka ko lang namalayan ng pisilin ni Asher ang kamay ko.

"Let's go." Hinaplos nya pa sandali ang pisgi ko bago naunang lumabas ng sasakyan, pinag buksan nya din ako dahil sya ang may dala ng payong pero pag kalabas ko ay tumakbo na agad ako papasok sa building.

"Amber! What the heck?!"

Hindi ko pinansin si Asher at pinag patuloy ang pag takbo kahit pinag titinginan na'ko ng mga tao, agad akong pumasok sa elevator at pinindot agad ang 3rd floor hindi na'ko nag aksaya ng oras para hintayin si Asher.

Mabilis lang din akong nag lakad palabas ng tumunog ang elevator.

"Sweetie!" Lumingon ako at nakita ko si Asher na tumatakbo sa likuran ko, hingal na hingal sya ng makalapit sa'kin.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon