Chapter 47

1.7K 113 22
                                    


Chapter 47



Dalawang araw na ang nakalipas simula ang mangyari ang lahat ng 'yon, ganon padin naman ang takbo sa araw araw lagi lagi kaming mag kakasamang walo yun ewan ko pero napapansin komg ayaw nila  nga lang palaging matamlay parang lahat kami nalantang gulay.

Ewan ko pero napapansin ko sa kanilang lahat kahit palagi kamimg mag kakasama lagi silang nakatingin sakin parang binabantayan nila ang lahat ng kilos ko, ni kahit banggitin ang pangalan ni Dwayne ay nag iingat din sila kapag nadudulas ay agad silang napapatingin sa'kin at mag iiba ng uspan, hinahayaan ko nalang alam ko naman na nag aalala lang sila sakin hindi ko nalang din pinapakita na nasasaktan ako habang nag aantay kay Dwayne.

Ilang araw ko pa syang aantayin? Para makausap? Para sabihing nandito lang ako palagi sa tabi nya? Ang araw pa? Isa,dalawa,tatlo, apat, apat na araw.

Hinahayaan ko sya at pinipigilan ko ang sarili ko na isipin sya dahil lalo lang akong nasasaktan kapag naalala ko sya at kung bakit wala sya ngayon.

Hindi ko din maiwasan ang hindi mag isip kung pag kakagusto lang ba talaga ang nararamdaman ko kay Dwayne, ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao? O gusto ko lang ba sya talaga?

Nandito kami ngayon ni Amber sa room wala akong pjnapansin kahit sino kay sya pa, natuwid lang ako ng upo habang nakatitig lang sa white board namin.

Wala ako sa mood mag entertain ng kung sino ngayon.

"Sagutan mo na'to hoy ipapasa na natin to" sandali akong tumingin kay Amber ng kulbitin nya'ko at may inabot saking papel.

"Huh para saan yan?" Takang tanong ko, nasapo nya ang noo at nag buntong hininga.

"Nasan pala si ma'am?" Tanong ko ulit.

"Hays amina nga ako na bahala dito titig ka nalang ulit dyan forevs" kinuha nya ulit saakin ang papel at nag may sinulat doon na hindi ko alam kung ano.

"Si ma'am wala kaya nga may pinapasagutan satin, alam mo kasi kanina kapa nakatitig kung saan kaya yung nag announced yung president dimo alam" sabi nya habang nag susulat padin.

Medyo gulat naman ako dahil sa narinig ko, ilang oras o minuto naba akong nakatitig?

"Hoy tapos na kayo?" Tumingin ako kay Tris ng mag salita sya, yung class president namin.

"Here, thankies" inabot ni Amber yung papel kay Tris.

"Mabuti naman, psst Kish paturo kung paano tumitig ng mahigit kalhating oras na walang pikitan" sabi pa ni Tris tapos tumawa.

"Whatevah" inirapan ko sya pero tinawanan lang ako, hindi kami super close ni Tris pero hindi din naman kami basta mag classmate lang.

"Ge pasa ko na'to oh lunch naaaaa!" Malakas na sigaw ni Tris tapos parang model na nag lakad sa gitna tsaka lumabas ng pinto para namang mga nakawala yung mga classmate nakin nag una unahan na sa pag labas ng pinto.

"Ano tara na kumain? Nag text sa'kin si Asher kakaunin nya daw ako pero sabi ko susunod nalang tayo" tumayo na sya tapos inayos yung gamit nya.

Silang dalawa ni Asher at Amber sa totoo lang hindi ko alam kung ano na ang status nila pero base sa nakikita ko nanliligaw na si Asher hmm hindi na torpe? Sinunod kaya nya ang payo ko? Hahaha sa susunod ko nalang sila aasarin kapag nasa mood na'ko.

Masaya naman ako lalo na para kay Asher dabil bumabalik na yung pag kabibo nya katulad ng dati, hindi na torpe naks hahah.

Hindi padin naman nag sasabi sa'kin si Amber siguro dahil alam nyang madami pa ang iniisip ko.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon