Chapter 21

2.7K 149 16
                                    


Chapter 21




Pagkatapos non ay inis na inis akong nag nag lakad papuntang canteen tsaka lumapit sa mga kaibigan ko.

Tumabi ako sa tabi ni Kiesha pero hindi nya manlang ako binati.

Tumingin ako sa kanilang lahat dahil iba ang tingin nila sakin.

"W-why are you guys staring at me?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin sakin si Emil tsaka ako binato ng box ng tissue na nakalagay sa mesa.

"Para san to?" Tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pag bubuntong hininga ni Kiesha kaya napatingin ako sa kanya pero nasa pagkain lang sa harap nya ang paningin nya.

Seriously? What's happening?

"Dre may lipstick ka sa gilid ng l-labi" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Asher.

Taranta akong kumuha ang isang tissue tsaka pinunsan ang labi ko.

Demmit! Yung babae kanina!

Natigil ako sa ginagawa ko ng may umagaw ng tissue at hawakan ang mukha ko sya mismo ang nag punas sa labi ko.

Si Kiesha.

"A-aray naman" iniwas ko ang mukha ko dahil sa diin ng pag kapunas nya.

"K-kiesha lalong pupula hindi lang yang gilid ng labi ko kundi pati buong mukha ko  dahil sa diin ng punas mo" tiningnan nya lang ako sandali tsaka pinadaan ang palad sa mukha ko.

"Oh ikaw mag punas tss" badtrip na sabi nya tsaka hinagis sakin yung tissue!

Badtrip kaseee yung babae kaninaaaa!

Lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit tsaka inilapit ang labi ko sa tenga nya.

"Babeeee" malambing na tawag ko kaya agad syang napaharap sakin.

Kitang kita ko ang paglunok nya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa isang maling galaw nalang mahahalikan na namin ang isa't isa!

Damn! I want to kiss her!

I remembered the day she kissed me! Her kissable lips! Yes! I want to claim it again!

Natetemp ako!

Nagulat nalang ako ng itulak nyako bigla muntik nakong mahulog sa kinauupuan ko.

WTH! Am i thinking?

"Oh bat mo tinulak Kish?" Tanong ni Amber pero wala ni isa ang sumagot aa kanya.

Tiningnan ko si Kiesha na pilit inaabala ang sarili sa mga pagkain sa harapan nya.

Is she mad?

Tinitigan ko lang sya sandali pero ganon nalang ang gulat ko ng bigla syang tumingin sakin, pinandidilatan ako ng mata.

"Wag mokong titigan" mariing bulong nya.

Tss pano nya nalaman?

"Kumain kana ba?" Biglang tanong nya.

Umiling ako kaya sinimulan na nyang asikasuhin ang pagkain na para sakin, hindi ko naman maiwasan ang mapangiti ng palihim, bago ako tumingin sa harapan namin tiningnan ko si Gino pero parang may sariling mundo na sila ni Amber puro sila tawanan, tumingin naman ako kay Asher na nakakunot ang noo parang badtrip na badtrip hindi ko maiwasan ang hindimag alala tss hindi ako sanay na ganyan sya mas sanay ako kapag mahangin sya I think I need to talk to him? Tumingin ako kay Rafael na busy sa pagkain wala talagang pake ang isang to, bago ako tumingin kay Emil na naka earphones kumunot ang noo ko ng mapansin kong sumusulyap sulyap sya kay Kiesha.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon