Chapter 53

2K 116 28
                                    

Chapter 53




"Oh anong meron at nakatulala lang kayong lahat dyan?" Lahat kami natauhan ng marinig namin ang boses ni momy kadadating palang ata may dalang mga paper bags.

Tumayo ako at ganon din ang mga kaibigan ko para salubungin si momy.

"Mom" nag lakad ako papalapit kay momy at hinalikan sya sa pisgi, ganon din ang ginawa ko kay dady pag ka dalapit samin.

"Tita" sila Gino at nag beso din kay momy.

"Anong meron at lumbay na lumbay kayo" tanong ni Dady.

Parang lantang gulay akong umiling at bumalik sa pag kaka upo.

Ilang minuto na ang nakalipas simula nung matapos ang tawag gustong gusto na talaga naming puntahan si Kieha pero inawat kami ni Amber mas hindi daw makakabuti, tama may point naman mas hindi makakabuti kung makikita kami ni Kiesha lalo pa at alam naming lahat na iniisip nya na pinag lihiman namin sya, pero arrghh sobrang nag aalala na talaga kami.

Pero buti nalang taga nandon si Amber, sya na muna ang bahala kay Kiesha habang nag p-plano kami kung paano namin makikita si Dwayne ng sa ganon ay masapak na namin sya isa isa.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni momy nag lakad sya papalapit samin pag kakuha ng isa sa mga kasambahay namin ng hawak ni momy na mga paper bags.

Nag buntong hininga si momy bago nag salita. "Wala padin si Dwayne?"

Walang gana akong umiling.

Tama alam ni momy at dady na naalis si Dwayne kapag nasapit ang araw na anniversary nila ng ex nya.

At nirerespeto NAMIN yon NOON, noon dahil pare-parehas naming hindi maintindihan ngayon kung bakit hanggang ngayon tatanga tanga parin si Dwayne.

"Kumain muna kayo nag handa na si manang ng mga pagkain" sabi ni dady at nag lakad din papalapit samin umupo si dady sa tabi ko.

Sinenyasan ko naman sila Sierra na umuna na, tumango nalamg ako sa kanila kaya tumayo na sila.

"Sunod na po kayo tita,tito, Nem" tumango lamg ako kay Sierra.

"Sige kumain kayonng marami ha pakabusog" habol pa ni momy.

Ng mawala sila Sierra sa paningin ko ay tsaka lang ako ulit humarap kay momy, nakatingin na sa'kin.

"I thought he's back" umiling si momy.

"Of course not" peke akong tumawa. "Mom isang linggong nawawala si kuya right? Anong araw palang oh"

"I don't understand why he's still doing that" sabi ni dady, huminga din sya ng malalim.

Nalatango ako, ayan ang ilang beses ko ng simasabi sa isip ko.

"He have Kiesha now right? " mahinang sabi ni Dady.

Sa pang ilang beses na pag kakataon sabay sabay kaminh nag buntong hininga.

"Kumain muna tayo mom, dad" sabi ko at tumayo, nakakagutom pala talagang mag isip ng kung ano ano.

"Nasan pala si Kiesha?" Natigil ako sa tanong ni momy.

Sandali lang akong humarap at tumalikod ulit, pinag patuloy ang pag lalakad habang nag sasalita.

"I'll tell you later mom,dad"

Pag kadating ko sa kusina ay umupo nadin ako lahat sila don naka pwesto na, wala namang problema dahil mahaba ang lamesa namin, yun nga lang sobrang tahimik lang talaga para talagang lantang gulay.

"Kumain naman kayo ng may energy hindi lalapit ang pagkain sa susunod, wag nyong ipakita na ayaw nyo ng pagkain, wag ilakita na ayaw nyo ng luto ko" umiling iling si manang.

Stupidly In Love ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon