P R O L O G U E

322 13 4
                                    

W A R N I N G:

This story is based on pure imagination, a channel the author chose to express creativity. The author does not represent any places, organizations, brands nor institutions mentioned in the story. Any similarities of the characters on other stories and real life people are coincidences. Violence, inappropriate languages and mentions of mental disorders are included so this warning serves as heads up. Happy reading!














Ashton's P.O.V

"I'm telling you, pre. Baka pera lang habol nong freshman na iyon sa'yo. Or better yet, sex. No offense kay Gwyn ha. Narinig siguro na big time yayamanin ka and maganda ang performance mo. Tibay 'di ba? HAHAHA!" Tawa ng malakas ng walang hiyang kumag na si Cecilio. Nakita na ngang problemado ako dahil sa Gwyneth na yon, pag-titripan pa ako ng gagong 'to.

Of all the things we can talk about, talagang ito pa talaga pag-uusapan namin. Why can't we talk about Dex and his secret girl from the volleyball varsity? Or Bethany's ex returning? Panigurado naman kaseng walang interesting na pag-kukwentuhan tungkol sa buhay ni Cecilio.

'But of all things, bakit ako ang naging topic?'

"Apaka-kalat, Cilio ha! Eh what if she's serious pala? Si Cecilio lang naman nag-iisip na lahat ng babae, gold digger. She's a sweet girl, ano ba! Palibhasa 3 times tinengga ng mga jinowa 'pag nakuha na yung pinapabili," Sagot naman nitong si Bethany habang kumuha ng isang glass ng cocktail. Sa aming lahat, itong si Bethany ang maraming kwento, mabilis makasagap ng balita. In short, chismosa.

I winced nang biglang nagsi-hiyawan ang mga tao sa paligid. Ano ba ang ineexpect mo sa isang club? Maingay, puno ng tawanan, at malakas ang music. Typical spots for 'college students'.

"Both of you, shut up. Those are just some wicked assumptions. And we don't really know this girl's motive. Pinangungunahan niyo yung tao eh. Ashton, ikaw ba? Ano ba sa palagay mo?" Pag-tanong sakin ng matino ni Dex. I could only count on Dex as of the moment. Basag si Cecilio, bangang naman 'tong si Bethany.

'Ano nga ba nasa isip ko?' Ilang linggo na akong patuloy na kinukulit nung freshman na 'yon. Ang layo pa ng pinanggalingan niya pero dumadayo parin siya sa building namin. Nasa Psychology department ako, siya naman nasa Engineering department. Sa lawak ng campus, mag-kabilang dulo na ang mga faculties namin.

'Pero paano ba kase napadpad ang babaeng yon dito? Paano niya ako nakilala? Naka-fling ko na ba siya before? Pero parang impossible dahil 'di naman siya mukhang ganong klase ng babae,' I have never met her in my life, at least not that I'm aware of.

"Alam mo, i-shot mo muna yan. Tamo 'tong si Bal, nakailan ng tawag sa orders eh hindi man lang nagagalaw yang nasa baso mo. The night's still young, paps! Let's just enjoy it instead of worrying, 'kay?" Sabi ni Cecilio sabay akbay sa balikat ko sabay shot. Uhaw talaga 'to sa alak. What to expect from the youngest member of the Gamboa clan?

"Asshole," Ngisi ko. Buong gabi, hindi mawala wala sa isipan ko kung paano ko irereject si Gwyneth ng tuluyan. Sure, I have had my fair share of outburst moments with that girl pero parang sanay na sanay na siya to the point na she doesn't really mind the way I interact with her.

Hindi naman ako tarantado para basagin yung puso niya dahil ako mismo, alam ko ang pakiramdam na ganon. Pero sana naman, utang na loob lang, tigilan na niya ako. I can't stop being so paranoid kahit saan man ako mapunta. Bar na lang ata ang safe haven ko sa babaeng 'yon.

"Teka nga, why don't you try kase liking her back? I mean, cute naman siya and all. She acts way more mature than you," Bethany said, rolling her eyes and taking a small sip from her glass. So anong pinaparating nito sa'kin? I can't just force myself to like her back. 21st century na, why must I take responsibility for her feelings for me? Sinabi ko bang gustuhin niya ako?

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon