Chapter 28 : Glitch

618 71 2
                                    

CHAPTER 28

NIANA'S POV






PAMILYAR 'YONG boses sa akin no'ng babae. Same as her face. Parang nakita ko na siya, pero hindi ko maalala kung saan at kailan.

"Alam mo kung may problema ka, dapat nilalabas mo 'yan. Mahirap kung sasarilihin mo ang lahat ng problema mo. Sure ako na may mga tao naman sa paligid mo na p'wedeng makinig sa 'yo," sabi ng babae. "So if you mind, tell me a bit about your problem. Sabi ng iba it's better to share your problems to strangers. Sigurado naman ako na hindi na ulit tayo magkikita."

"Paano mo naman po nalaman na may problema ako?" magalang na tanong ko.

"I just know," nakangiting aniya. "I've been through a lot, and believe me, madali na lang para sa akin ang magbasa ng tao. Kung may problema ba siya o wala. Kung anong nararamdaman niya," dagdag pa niya.

Napasinghap ako ng hangin.

Hindi ko alam kung tama bang mag-open ako sa isang taong hindi ko naman kilala. Bukod kay Midori, wala ng iba pang nakakaalam tungkol sa sixth sense ko, which is my primary problem as of now.

Pero kung mago-open ako sa kaniya, hindi naman niya ako mababalikan pa. Hindi kami magkakilala, hindi ako mangangamba na may isang taong lalayo sa akin dahil ang weird ko—dahil in the first place hindi naman kami close. Maliit din ang tsantsa na magkita pa ulit kami.

Sana nga mas mabuti 'tong gagawin ko.

"Naniniwala ka po ba sa sixth sense?" tanong ko sa kaniya. Nakatitig ako sa kaniya pero hindi sa mga mata niya. Gusto kong malaman kung anong reaksiyon niya, kung tatawa ba siya o hindi.

"As far as I know, 'yong sixth sense 'yong hindi belong sa five senses ng tao 'di ba? 'Yong minsan, medyo kakaiba pero posible talaga?" tanong niya kaya alinlangan akong tumango. "Sa totoo lang, hindi ko masasabing naniniwala talaga ako, dahil hindi pa naman ako nakaka-encounter ng taong may gano'ng kakayahan," tapat niyang sagot.

Napalunok ako ng laway. Nasa harapan mo na 'yong taong tinutukoy mo.

"Pero hindi ko rin naman sinasabing hindi ito posible. Life itself is a mystery. Punung-puno ng misteryo ang buhay ng tao, ang mundo. Hindi ko inaalis ang chance na may gano'n nga. Kasi hindi naman lilitaw ang salitang sixth sense, kung walang gano'n," nakangiti niyang saad kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag. "May koneksyon ba sa tanong mo ang problema mo?"

Nag-aalinlangan akong tumango. "Sa maniwala ka man po o hindi, may sixth sense ako. I can see someone's future," sabi ko habang hindi pa rin nakatingin sa kaniya. Ayokong makita kung anong nasa hinaharap niya. Sawa na ako. I need a break for fudge's sake.

"Really?" 'Yong tono niya, parang amused at hindi sarcasm. Hindi siya 'yong tono na parang natatawa, 'yong tono na hindi naniniwala. "Can you see mine?" tanong niya sa akin kaya awtomatiko akong napatingin sa kaniya, still not looking directly to her eyes pero sa kilay niya.

"Bakit ko naman po gagawin 'yon?"

"Gusto ko sanang makita kung anong magiging future ko," aniya. Namagitan sa amin ang katahimikan pero saglit na saglit lang 'yon dahil agad siyang nagsalita. "Naka-confine ang asawa ko sa ospital na 'to. I was about to visit him pero nakita kita na malalim ang iniisip, kaya nilapitan muna kita. Weird ko ba?" Pagkatapos ay tumawa siya nang mahina.

"Hindi naman po." Sigurado ako na kung may weird man sa aming dalawa, ako 'yon.

"Ang asawa ko ay may sakit sa bato. Kung totoo ngang nakikita mo ang hinaharap ng isang tao, p'wede mo bang tingnan kung kasama ko pa ang asawa ko sa hinaharap? Gusto kong malaman kung magkaka-anak ba kami, kung magiging masaya kami. Kung after ng operation niya, magkasama pa rin kami," saad niya. Bakas sa tono niya ang lungkot at sakit, pero hindi man lang siya huminto sa pagsasalita. Parang normal sa kaniya na sabihin sa iba 'yong kalagayan niya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon